2

68 6 0
                                    






JAM's POV

Marami tayong tanong sa sarili na'tin. Kung bakit ganito?
Bakit hindi ganiyan?
Kapag ginawa ko ba 'to, maganda ang kalalabasan?
Pano kung 'yon ang pinili ko?

Humans have never ending questions inside of them that's why Plato build the concept "Sense of wonder"; the feeling of awakening.
Ngunit pano mo nga ba malalaman kung kailan dapat mamulat? Kapag ba huli na ang lahat?

I sighed, I'm diving in the deep of my thoughts, again.

"Jamantha, apo—

"Not again, lolo. Please?"
I cut him off, I know he'll start an argument again.

Narinig ko siyang bumuntong hininga.

"Gusto ko lang naman ipaalala sa'yo ang mga bilin ko para kapag nawala na ak—

"Lolo naman."
Itinigil ko ang pagkain ko ng pananghalian at tumingin ng diretso sa mga mata niya.

"Hindi ka pa po mawawala kaya tumigil ka na."
Inis akong tumayo sa hapagkainan at umakyat sa kwarto ko.

Ilang araw ng ganyan si Lolo, hindi ko siya maintindihan.
Lagi siyang nag sasalita na para bang mamamatay na siya.
Na para bang iiwan na niya ako.
Na parang gusto niya 'yon.

Ilang sandali pa ay bumukas ang pinto ng kwarto ko.

"Ang sabi sa'kin ng herbalist noong nakaraan ay lumalaki na daw ang katarata ninyo sa isang mata."
Rinig ko siyang tumawa sa sinabi ko.

"Julianne Samantha, bakit ka nag aalala ng ganiyan? Parang hindi ka dalawamput tatlong gulang, hindi ako mamamatay sa katarata na 'to."
Inis akong bumangon sa pagkakahiga dahil sa mga sinabi niya.

Napunta ang tingin ko sa marked number niya. Number 3, tatlong taon na lang.
Tatlong taon na lang ang meron ako para makasama ka, bakit hindi ako mag aalala? Sa t'wing papalapit ang mga araw na 'yan ay parang nagkakarambola ang dibdib ko. Nanghihina ako. Hindi makapaniwalang tiningnan ko siya, parang kanina lang kung makapag salita ay kala mo nakaratay na siya sa higaan, tapos ngayon ay napakayabang.

Lumapit siya sa'kin at minasahe ang noo ko, na parang tinutuwid ang naka kunot kong noo.
Pagkatapos ay pinisil ang ilong ko, katulad ng lagi niyang ginagawa.

Ngumiti siya sa'kin.

"Para mabawasan ang pag aalala mo'y kunin mo na ang gamot ko."

Niyakap ko siya ng napakahigpit pero maalis ang mga agam-agam ko.
Pero bakit hindi ako mapalagay?

••••

Galeon Market.
The only place where the upperclass and the lowerclass interacts.
To shop and buy necessities, jewelries, gems, stunning clothes, ganyan ang kadalasang dahilan kung bakit pumupunta dito ang mga taga-Lumos.

Mamalimos, at magnakaw ang para sa mga taga Luz, malaki ang pinagkaiba hindi ba?

"Sorry."
Isang matabang balbas sarado ang bumangga sa'kin.
Mukha siyang komedyante dahil sa dating niya.
Lalagpasan na sana niya ako pero hinila ko ang kamay niya.

Nakita ko kung paano kumunot ang noo niya.
Kinuha ko sa basket ang isang balot ng tinapay at binigay sa kaniya.

"Walang laman yung wallet na kinuha mo sa'kin."
Sabi ko at saka naglakad papalayo.

Ganito ang buhay sa lugar ng Luz, ngayon ay may kakainin ka pero bukas o makalawa ay hindi mo sigurado.
It seems like we're chasing our deaths in exchange of a loaf of bread.
While those who have the privilege can full their stomachs using those silver and gold kitchenwares.

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now