11

30 4 6
                                    










ANDREW's POV

"Angas, tangina."
Bulalas ko nang makapasok kami sa loob ng mansyon nila Miguel, kakatapos lang namin samahan sila Jam para magpa-tattoo, una at pangalawang araw ng pribilehiyo ay sinulit namin nang kani-kaniya.
Ngayon ay nagkita-kita kami para daw magbonding.
Akala mo talaga mga mag to-tropa kami.

"'Lamat Boss!"
Nakangiting pasalamat ko sa lalaking naka Suit na kumuha ng mga bagahe namin.

Napangisi ako at napasipol habang hinihintay siyang maglakad papalayo, hindi pa man ako nakakahakbang ay inakbayan ako ni Jam.

Akala mo naman ang tangkad.

"Ano 'yan?"
Tanong ko sa nakalahad niyang kamay.

"Yung relos, amin na."
Naknampucha naman oh, nakita niya pa 'yon?

"Anong relos? Wala!"

"Andrew!"
Napabuntong hininga ako bago ko kunin ang relos na sinasabi niya, aba! Kasalanan ko ba na madaling manakawan 'yong mamang 'yon?

Ano nga 'yong kasabihan nila sa Ingles?

"Finding keepers na dapat 'yon!"

Tumawa siya ng mahina bago tumalikod sa'kin para habulin 'yong kumuha ng mga bagahe ko kanina.

"Finders keepers 'yon tungeks!"
Rinig kong sigaw niya.

Tsk. Kaurat.

"Dru, tara!"
Napalingon ako kay Toni ng tawagin niya ako, abala siya sa pagkuha ng litrato.

"Waywaywaywayway."

"Tingnan mo oh!"

Napanganga ako ng makita ang isang malaking pader na puno ng mga litrato ng halos buong angkan nila Miguel at Paolo, kasama ang mga kung ano-anong sertipiko't medalya.

"Aba, sanaol."

"S-sana—What? Yuck, so twenties."
Rinig kong pasaring sa'kin ni Pat,
minsan talaga ang sarap umbagin nitong babaeng 'to dahil sa katarayan e.
Hindi ko alam kung pano natitiis ni Agnes na sumama lagi diyan, akala mo mamatay kapag hindi nakapagtaray sa isang araw.

Halos hindi namin matapos maikot ang buong salas nila sa sobrang laki, akala mo ay building ng hospital e.

Scientists daw pala ang mga angkan nilang dalawa, kaya pala sobrang daming abubot ang nakasabit sa dingding nila.

Sa buong pananghalian namin ay walang nagsasalita dahil sa presensya ng nanay nila Miguel at Paolo, ewan ko lang , pero pakiramdam ko ay may away silang mag iina.

"Huy, nalalamog na 'yang Karne kakatusok mo. Ayaw mo ba? Akin na lang."
Puna ko kay Agnes, mukhang lutang siya ngayon.
Lagi naman siyang lutang pero, mas lutang na lutang nga lang ngayon.

Narinig kong umubo 'yong nanay nila Miguel saka bumulong ng "manners please"
Nag intay akong may iabot yung kasambahay nila 'yong manners pero wala, baka kasi may ilalabas pang pagkain.

Sayang naman.

"Let's go, guys."
Luh, pala desisyon 'tong si Paolo, di pa nga ako tapos kumain, aalis agad?

Wala naman na akong nagawa ng magsi-sunuran na yung iba sa pagtayo, nanguna yung kambal.
Bago ako maka alis sa mesa ay kumuha pa ako nung tinapay.

"PAOLO! MIGUEL!"
Rinig kong sigaw ng nanay nila pero parang wala naman silang balak na bumalik.

"Sorry guys."
'Yon ang una nilang sinabi paglabas namin ng mansyon, buhat buhat na ulit namin ang kani-kaniya naming gamit.

Muli akong lumingon sa bahay nila, ang laki-laki, ang rangya-rangya. Pero hindi naman masaya.
Buti pa kila Tang Pings.

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now