6

30 5 1
                                    















MIGUEL's POV

Naranasan mo na rin ba 'yong second hand embarassment na sinasabi nila?
Yung tipong ikaw yung napapahiya dahil sa bagay na ginawa ng kaibigan mo o sa taong kakilala mo?

Natigil ako sa pagtitimpla ng kape ng biglang tapunan noong taga Luz si Pat ng kape, well hindi naman talaga sinasadya.

"Tsk."
Rinig kong singhal ni Pat, kaya naman nag patuloy na lang ako sa ginagawa ko.

"Baka gusto mong kumuha ng basahan? Oo, ikaw! May iba pa ba?"

'Miguel, pigilan mo ang sarili mo'
Kagat labing paalala ko sa sarili ko.

"Kupad mo naman, hindi ba dapat sanay na kayong taga-Luz sa mga gawaing ganyan?!"

I sighed, kahit saan talaga dalhin 'to si Pat ay kasama niya ang ganiyang ugali.

"Next time, 'wag mo namang gawing literal yung bansag sa inyong mga taga-Luz, palibhasa kasi walang pinag-aralan—

~PAAAK~

Natuod ako sa kinatatayuan ko ng makita kong sampalin noong babaeng taga-Luz si Pat, luminga linga ako sa paligid, umaasang ako lang ang nakakita noon pero lahat pala kami bukod kay Keifer ang nakakita sa pngyayari.

"Kung inaakala mong alam mo na ang lahat, angat ka na sa iba, at utusan mo lang kami dahil taga-Lumos ka,TANGA KA!"
Sigaw ng babaeng taga-Luz atsaka umalis, nakita ko naman siyang sinundan pa ni Agnes, taga-Luz din pero nakilala ko siya dahil Chiaro ang papa niya.

"Masakit ba?"
Lahat kami ay napunta ang atensyon kay Jam ng bigla siyang magsalita.
Inis na binunggo siya ni Pat para mag walk out, habang kami ay naiwan na hindi pa rin makapaniwala dahil sa nangyari.

"Hey, are you okay? I'm sorry for Pat's actions."
Poch approached Jam.

"Don't be, hindi mo kailangan mag sorry sa hindi mo ginawa."

Halos maibuga ko ang kape ko ng tumingin siya sa'kin, pagkatapos ay umalis.

What she did left me dumbfounded.

"Migs, ayan ka na naman e. Alam ko 'yang takbo ng utak mo."
Biglang sulpot ni Paolo habang humihikab.

••••

Katahimikan ang namamayani sa hapagkainan namin, tunog lang ng mga kubyertos ang maririnig at walang kahit na sino ang gustong magsalita.

"Sabi ko sa'yo kanina diba tigilan mo na kung ano mang iniisip mo?"
Pasimpleng bulong ni Paolo sa'kin habang kumakain.

I really tried not to meddle with this issue, but I think this is the best way to avoid misunderstandings and quarrels between us.
We need to be a group, a team, to accomplish the Project's main goal.
At alam kong hindi namin magagawa 'yon kung dito pa lang sa pagkain ng pananghalian ay nagbabatuhan na kami ng matatalim na tingin.

"Thank you sa pag-invite sa'ming kumain Migs, sana di kayo na-awkwardan dahil kasabay niyo kami."
Ngumiti lang ako sa sinabi ni Agnes.

"No, we're not. Your presence here makes the ambiance awkward, because you are Awkward."

"Keifer."
Kabadong puna ko kay Keifer, malamang ay alam na niya ang nangyari kay Pat kanina kaya siya ganyan.

"Anong pinaparating mo?"

"Oh, gosh. Please 'wag sa harap ng pagkain."
Mahinang puna ko sa kanila.

"Sino ba masisiyahang kumain kasama ang isang magnanakaw? Walang respeto, walang alam na mga katulad niyo?"

"Sumusobra ka na ah!"

"Please, Andrew. Umupo kayong lahat, please."
Awat ko sa kanila pero parang walang nakakarinig sa'kin.

Tiningnan ko si Paolo pero tiningnan niya lang din ako pabalik na parang sinasabing "sabi-ko-sayo-itigil-mo-na-ang-naiisip-mo-ayan-tuloy."

"Guys, let's calm down."
Nakahinga ako ng maluwag dahil pumagitna na si Poch sa kanilang lahat, dahil doon ay napaupo na rin si Andrew.

"Alam mo nakakatawa ka e."

"Hey, Jam. That's enough."

"Ganyan yung mga tingin niyo sa'min? Talaga?"
Jam crossed her arms before leaning to her chair, making her more comfortable.
She took glances at us before grinning.

"Ikaw Nobel, 'di ba sunod sunuran ka lang diyan sa Pinsan mong sunod sa layaw?"

"Kayong kambal, oo matalino kayo, pero si Paolo may type 2 narcolepsy. Si Miguel? Magaling ang leadership skills pero may anger management issues."
Lahat kami napaangat ng tingin sa kaniya, nakita ko kung pano nanginginig ang kamay ni Paolo ngayon dahil sa sinabi niya.

"Timothy Agathon. A psychologist but a bipolar himself."

"Hindi namin hinihingi na maging kaibigan niyo kami, ang samin lang makuha namin yung respeto na katulad ng binibigay namin sa inyo.
Sa tingin niyo, Sinong mas awkward kasabay sa pagkain? Kami ba o kayo?"

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now