12

34 3 0
                                    









"JAM! RUN!"

Shit! Shit! Shit! Shit!
Hingal na hingal na kami sa pagtakbo dahil hinahabol na kami ng mga armadong lalaki.

Masakit na ang mga paa ko.
Nanlalambot na ang mga tuhod ko.

"Hey! Don't look back, okay?! Just run!" Poch yelled at me.

Nang makaliko kami ay naka hinga ako ng maayos.
I heard him let out a loud sigh before he stopped running.

"Go."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya, kinuha niya ang isang nangangalawang na tubo sa gilid namin.

"Anong go?! Tara na!"

Palapit na ng palapit ang mga hakbang sa'min.

"Jam, puntahan mo na sila Paolo, sabihin mo kung nasan ako."

"Anong- Tangina naman! Bilisan mo na, Tara na!"

"Just go, Jam! RUN!"

"Hindi" umiling ako bago kumuha din ng tubo sa tabi ko.

"Walang maiiwan dito."
Matigas kong sabi.
Lumalakas ang kabog ng dibdib ko habang palakas din ng palakas ang mga hakbang nila.

Napapikit ako.
Paano ba kami napunta sa ganitong sitwasyon?

^^^ 4 HOURS BEFORE THE CHASE^^^

"Ang gara naman nito."
Manghang sabi ni Toni ng makapasok kami sa Convoy.

Ang buong akala namin ay maglalayag kami papunta sa isla ng Socrus pero napadpad kami sa isang lumang sewerage system.

"Okay na sana 'tong convoy pero nandito naman tayo sa madilim na kanal."
Tinatamad na sabi ko, pano ba naman kasi? Tatlo lang kaming naiwan dito ni Toni, at Paolo.

Yung anim ay nandoon sa Wager Place na tinatawag dito sa Socrus.
Isang malaking Casino.
It's weird dahil dito nila tinatago yung Phoenix.
Si Paolo ang sa controls, kami naman ni Toni ang bahala sa Monitors, back up na rin kung sakaling mag karon ng aberya.

"'Wag na kayo magreklamo."
Paolo said as he yawns, antukin talaga.
Nagkatinginan na lang kami ni Toni bago pumwesto sa mga monitors.

"Positions."
Baling niya sa mic.

"Copy." Rinig naming sabay noong anim.

"Cam 1, How's the situation?"

Mula sa monitor ay kita namin kung paano lumakad si Miguel kasama ang Hindi kilalang taga Socrus.

Maya-maya ay tumabi siya kay Keifer na nakasandal sa isang billiard pool.

"All is well-

Napamura kaming tatlo dahil sa ingay ng tunog na narinig namin sa mic.

"Andrew! Ano ba 'yan?!"
Mahinang bulong ni Toni.

"You're a weak type! C'mon! Beat me!"
Mula sa monitor ay kitang kita namin kung paano niya asarin ang isang lalaki.

Mabuti na lang at Si Agnes ang assistant sa gambling table kung nasaan sila.

"Tuloy ang plano, mag hintay lang tayo."

•••••

ANDREW's POV

Inakbayan ko ang lalaking katabi ko atsaka ngumisi.

"You loose again, pare!"
Sinenyasan ko si Agnes para ipaalam ang oras.

Napaka kupad naman oh!

Kating-kati na ako sa damit na 'to.

"Another game! Another game!"
Inis na sabi ng katabi ko, nakita ko si Poch na palapit sa'min kaya naman ginawa ko na ang dapat kong gawin.

Palihim kong inabot kay Agnes ang ID ng katabi ko na kinuha ko kanina.

Pagkatapos ay pakunwaring itinapon niya sa trash bin na katabi niya pero palihim na sinipa sa nagsisintas na si Poch.

Konti na lang, matatapos na 'to.
Makakauwi na ulit ako.

••••

JAM's POV

Kitang kita namin kung anong mga nangyayari sa monitor.

Kinuha na ni Miguel mula kay Poch yung ID pass at pasimpleng pumunta sa VIP lounge na parang walang nangyari.

Someone caught my attention when Miguel successfully entered the lounge.

"P-Pao."
I pointed 'her' at the monitor.
A masked lady wearing a red silk dress, she's looking directly at our camera.
It feels like she's staring at me, it gives me damn chills.

"Bakit, Jam?"

"Nakatingin siya sa'tin."

"Guni-guni mo lang 'yan, proceed."

Sa gitna ng lounge area ay may statue ng isang napakalaking phoenix, sa bunganga nito ay tangan niya ang transcript.

Pigil ang hininga namin habang papalapit ng papalapit si Miguel sa statue. Nag papalitan ang tingin namin sa Monitors kung nasaan si Pat at kung nasaan si Miguel.

The lights went off.

There were screams and squeals around the area, after 5 minutes ay agad namang nabuksan ang mga ilaw.

"Minsan ang sarap kotongan ng kambal mo." Sabi ni Toni habang nakitang nakikipag make out si Miguel sa isang taga Socrus ng mabuksan ang mga ilaw.

"Dude, part two na!" Inis na sumigaw si Paolo bago bumitiw sa halik si Miguel, nakita ko pa siyang ngumisi sa Camera.

His twin raised his middle finger on the monitor, kahit alam naman niyang di siya nakita ni Miguel.

Nakahinga kami ng maluwag ng itapon ni Miguel ang balat ng chewing gum sa trash bin na dala ng isang matandang lalaki.

"Makakauwi na tayo."
I tapped Toni's back, she's right. Makakauwi na rin ako sa Lolo ko.

"Happy birthday Bro! See you aligator! Woo hoo!"
Rinig naming sigaw ni Andrew, iniimagine ko pa lang na marami siyang pera at alahas na ipapakita sa'kin mamaya ay napapailing na agad ako.
Malamang ay 'nakarami' siya dito.

"SHIT! PAT! UMALIS KA NA DIYAN!"
Napabaling ako kay Paolo na ngayon ay abalang abala sa controls, ramdam namin na umaandar na ngayon ang convoy.

Ng lingunin ko ang monitor ay nanlumo ako.

"Tangina."

PROJECT: LMSW (Under Revision)Where stories live. Discover now