Ang Kwaderno

56 6 0
                                    

Pagpapatuloy

******A Never Ending Love******

Ang Kwaderno
©Kingsays Alegrius Writes

Sa mga taong nakarating na ng Gumaca, Quezon, isa rin ito sa mga maaaring maipagmalaki ng lalawigan sa mga magagandang tanawin at beach dito ay sadyang napakasarap sa pakiramdam ang manirahan sa mga kanayunan.

Sa isang corner lot na pag aari ng matandang Intsik ay may isang lumang bahay na nakatindig na kung mapapansin ay sadyang luma na at napaglipasan na ng matagal na panahon, malawak ang lupa na sa may malapit lang ng tarangkahan ay may kilalang junkshop na negosyo ng matandang Intsik na nagngangalang Angkung Kit, o Kitsenque Chantengco.

Angkung Junkshop ang pangalan ng kanyang bodega at tambakan ng kalakal na umaabot hanggang sa likuran ng bahay, araw araw ay dito si Mark naglalagi, sa waring dagat ng basurang kalakal na kayamanan naman sa paningin ng among Intsik na si Angkung Kit.

Isang karaniwang maralitang batang ulila si Mark, nawala sa laot ang ama nito sa pangingisda kasama ng kanyang kuya na kaisa isang kapatid ni Mark, ang ina naman nito ay nawala sa sarili dala ng matinding sakit at hinagpis na di niya nakayanan na hanggang sa mga panahon ngayon ay hinahanap ngunit di pa rin matagpuan.

Sa buhay ng isang ulilang batang maralita ay makakain lang at malamnan ang kumukulong sikmura ay isang mahirap na pag ungos sa araw araw kaya sa tuwing si Mark ay makaramdam ng gutom ay namulot ito ng mga kalakal na kanya namang ibinebenta sa shop ni Angkong Kit.

Isang araw sa pagod at gutom ni Mark ay hinimatay ito sa harapan ng bahay ni Angkong Kit habang yakap ang malaking kahon na puno ng kalakal.

Namasdan agad ng matandang Intsik ang batang humandusay at kanya itong kinarga sa mga bisig at inihiga sa balkunahe ng bahay at hinilamusan.

Labis na nadurog ang puso ng Tsino at kanya itong ipinahanda ng mabibihisan at makakain.

Subalit dala marahil ng gutom at labis na pagod, idagdag pa ang init ng sikat ng araw ay di parin nagkakamalay ang batang si Mark na kinabahala ni Angkung Kit...

--itutuloy--

Ang KwadernoWhere stories live. Discover now