Ang Kwaderno

29 5 0
                                    

*****A Never Ending Love*****

Ang Kwaderno
Kingsays Alegrius Writes

Sa opisina ni Atty. Greg ay abala ang mga empleyado nito at kasamahang abogado sa pagbabalangkas ng kaso laban kay Mark. Isa itong araw na sila ay subsob sa pangangasiwa upang maplantsa ng husto at walang maiwaglit na kahit isang probisyon sa batas.

Sa paniwala ng buong lupon ng opisina ay malaki ang laban ni Atty. Greg laban kay Mark. Sa kadahilanang pinanghahawakan nila ang matibay na argumento na siya nga ang tunay na legal na tagapagmana ng mga ari arian ng matandang Tsino na si Angkung Kit.

Si Liza ay walang kamalay malay at ito ay abala sa kanyang mga pagtitipon upang ikandidato ang kasintahang si Atty. Greg bilang gobernador ng lalawigan. Punong puno siya ng pag asa na mananalo ito, sapagkat sa kanyang pang unawa ay isa itong huwarang mamamayan at mabuting tao.

Lingid sa kaalaman ni Liza ay may itinatagong madilim na pagkatao si Atty. Greg. Wala itong ni kahit katiting na pagdududa sapagkat lahat ng mga masamang balak nila ng kanyang amang si Don Primo ay ikinukubli kay Liza.

Sa isa sa mga pagtitipong politikal ay may naging kaklase si Liza na nagngangalang Cecilia na lumapit sa kanya. At kinausap ito na magkita sila ng pribado. Sa kadahilanang naging kaibigan naman siya ni Liza ay pumayag itong makipagkita sa kanya sa isang restawran.

Bago sila maghiwalay ay sinabihan si Liza na may mga bagay siyang dapat malaman ukol kay Don Primo at lalo na sa kasintahan niyang si Atty. Greg. Sa pagkabigla ay buong lakas ng loob na nagpasiya si Liza na makipagtagpo kay Cecilia.

Sa mga panahon kasi na iyon ng kampanya ay maugong na ang mga alingasngas sa mga kasamaan ni Don Primo at ang kanyang kasintahang si Atty. Greg.

Sinabihan din ni Cecilia si Liza na ilihim muna ang kanilang usapan. Sapagkat manganganib pareho ang kanilang buhay, bagay na ikinabahala ng tahimik na kalooban ni Liza.

Samantala, nagkasundo nga si Don Iko at Mark. May mga pinagplanuhan din silang sensitibong bagay lalo na sa seguridad ng buhay ni Mark at Liza.

-itutuloy-

Ang KwadernoWhere stories live. Discover now