4. Molesting Cessation (Survival Series #1)

162 7 1
                                    

Title: Molesting Cessation (Survival Series #1)

Author's username: @haiseka

Genre: Mystery, Thriller, RomCom, Drama

Status: On Going

Language: Tagalog, English

Synopsis/Description/Prologue:

"Maria."

Rinig ko ang boses ng kung sino sa malayo, isang pamilyar na babaeng boses ang tumawag sa pangalan ko.

Muli kong itinuloy ang pag takbo nang marinig ko ang malakas na kalabog galing sa daang dinaanan ko, sinyales na malapit na siya.

Siya? Sinong siya?

Nakagat ko ang ibabang labi ko at dali daling pumasok sa isa sa mga kwarto doon. Dali dali ay ni lock at yumuko ako upang hindi makita sa may bintana nang ma realize ko na ang kurtina ay hindi pa nakasara.

"Maria, wag."

Napahinto ako sa muntikan kong pag hawak sa kurtina saka ko nakita ang anino niya sa labas dahilan para mapigil ko ang aking katawan gayundin ang aking pag hinga. Natakpan ko ang bibig ko upang pigilan ang sarili kong gumawa ng anumang ingay.

Ilang sandali pa at nilagpasan na niya ang kuwarto na ito at narinig ko ang pag tawag niya sa pangalan ko na para bang nakikipag laro ito kasabay ng pag basag niya sa mga bintana na naroon. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi niya dinaanan ang kwarto na 'to. Hindi ko rin alam kung nasaan ako o kung bakit ako nag tatago at tumatakbo.

Tumingin ako sa may harapan ko at nagulat sa aking nasaksihan. Sa apat na sulok na silid na aking pinasukan ay mayroong kahon na may apat na iba't ibang kulay.

Asul, pula, dilaw at berde.

"Anong kulay ang nakikita mo sa akin, Maria?"

Narinig ko na naman ang boses na ito, ngunit ito ay mas klaro na. Malapit na ang boses niya sa akin.

Si Anne.

"Anong kulay? Edi brown?" Ani ko habang inaayos ang gamit ko.

"Hindi! Anong kulay ang nakikita mo pag naiisip mo ako?"

Napapikit ako habang iniisip ang kulay na nakikita ko pag siya ang naiisip ko. Lahat ng ala ala bumalik s apanahong iyon.

"Good morning, Maria!"

Dinilat ko ang mga mata ko. Tumayo at lumapit sa kahon na naiisip ko. Lumunok ako habang tnitignan ang kahon at nag aalinlang na buksan ito.

Dilaw.

"Maria."

Naramdaman ko ang pangingilabot sa buong katawan ko dahil sa lamig ng boses niya sa aking tainga. At dahil sa takot na nasaksihan sa loob ng filaw na kahon. Hindi ako maoa galaw, hindi gumana ang aking pag iisip sa oras na yun.

"Gumising ka na, Maria."

Wattpad Stories CompilationWhere stories live. Discover now