15. Full of pain

47 3 1
                                    

Title: Full of pain

Author's USERNAME: @jinnieaaaaah

Genre: General fiction

Status: On going

Language: Tagalog, English

Synopsis/Description/Prologue:

Moreen Avilla, 18 years old girl na mararanasan lahat ng sakit na hindi nya inaakala, sakit na dudurog sa kanya. Dahil sa mga taong di maka move on sa past ay maaapektuhan ang present... Maraming masasaktan, maraming mag sasakripisyo, at maraming mangyayari na hindi dapat.

Her innocent eyes have cried the most tears behind the dark and her prettiest smile hide the deepest sadness and you know what?? Her kindest heart felt the deepest pain. And that pain is meant to wake her up.

MOREEN'S POV :

*Graduation day*

"Waaaahh... Congrats ate Mori" maligalig na sigaw habang nakayakap na sabi ni Yumi, ang kapatid kong ubod ng ingay.

"Ano ba yumi ang ingay mo" sabi ko sabay hampas sa braso nyang nakapulupot sa leeg ko.

"Ma...kapatid ko ba to o kapatid ni lori??" dagdag ko pa habang nakaturo kay yumi.

"hahaha... Mag sitigil na nga kayong dalawa dahil hindi talaga kayo mag kapatid at hindi rin namin kayo mga anak" natatawang sabi ni mama habang lumalapit kay papa.

"Maaaaa" sabay naming sigaw ni yumi.

"HAHAHAHAH--wag nga kayong mag paniwala dito sa mama nyo" natatawang sabi ni papa habang nakayakap kay mama--ang sweet sanaol.

"gusto nya lang kayong madagdagan---kaya mamaya gagawa kami" bulog ni papa na halata namang pinaparinig kay mama. Hahampasin sana sya ni mama kaso bigla nalang humarurot ng takbo si papa habang sumisigaw.

"MGA ANAK--MAUNA NA KAMI NG MAMA NYO AT GAGAWIN PA NAMIN SI BABY JR." sigaw ni papa habang tumatakbo kaya napapatingin sa kanya ang mga tao at natatawa.

Napasampal nalang ng sariling noo si mama dahil sa kalokohan ni papa. Habang kami naman ni yumi ay tawang tawa.

" Mga anak mauna na kami ni papa nyo at malilintikan talaga sya sa akin---umuwi kaagad kayo ah dahil mag ce-celebrate tayo bukas" pag katapos sabihin yun ni mama ay agad na rin syang tumakbo para habulin si papa.

Napakunot nalang ang noo ko dahil sa pagtataka kung bakt parang wala pang balak umuwi si yumi kaya binalingan ko agad sya ng tingin.

"Hoy ikaw babae... Wala ka bang balak umuwi?? Bkt di ka pa sumabay kila mama??" takhang tanong ko kay yumi.

"eh bakit ikaw ate tapos na rin namn yung graduation ceremony nyo ah bakit di ka pa umuuwi??... Ikaw ah--siguro hinihintay mo pa si kuya Axel noh?? Yiieee" kinikilig na sabi ni yumi habang sinusundot sundot ang tagiliran ko.

"ano ba yumi hindi ah--may party pa kasi kami mamaya, dederetso na ako kila lori dahil dun din namn gaganapin yung party.. Kaya ikaw babae umuwi ka na at baka masampal kita" pagbabanta kong sabi kay yumi.

"Ang harsh ni ate...staka Di pa pwede ate, may pupuntahan pa po ako at staka nagpa alam narin namn na po ako kila mama't papa."

"at san ka namn pupunta aber??" tanong ko habang naka hawak ang dalawa kong kamay sa magkabila kong tagiliran.

"Sa mall ate... Mag kikita kami ng mga kaibigan ko kasi may bibilhin lang kami para sa surprise party ng kaibigan ko"

"kaibigaaan?? Talaga lang ah--siguraduhin mong kaibigan hindi kalandian ah" sabi ko sabay batok sa kanya. "Alam ko na mga ganyang galawan yumi gawain ko yan dati--kaya wag mo kong niloloko ah" dagdag ko pang sabi habang sinusundot ko ang kanyang noo gamit ang isa kong daliri.

Wattpad Stories CompilationWhere stories live. Discover now