141. Gone

8 1 1
                                    

Title: Gone

Author's USERNAME: @kylapaltao7

Genre: Sad Story

Status: Completed

Language: Tagalog

Synopsis/Description/Prologue:

Prologue

Zerraine's (POV)

Bakit, sa tuwing tumitingin ako sa paligid palaging ikaw ang naaalala. Muka mo na kay sarap pagmasdan, mga ngiti mong matatamis na dati sa akin mo lang pinapakita, mga tawa mo na kay gandang pakinggan. Mga alaala natin na para sakin ay di matutumbasan ng kahit anong materyal na bagay, mga pangako natin sa isa't isa na tila bigla nalang naglahong parang bula, na sa tingin ko'y dina imababalik pa.

--
Napabalik nalang ako sa reyalidad ng makarinig ako ng sigaw.

"HOY ZE! Tulala kana naman diyan! - sigaw ni bri

"Ano ba kase yon?" tanong ko naman

"Iniisip mona naman siya no?" - sabay irap sa sakin

"Alam mo uso den mag move on te" sabi niya

"Madali lang sabihin, mahirap gawin" sagot ko

"Jusme te! Aba, 5 years na di kapa move on? abay mas mabilis pang mag move on yung mga teenager sayo ah" sabay tawa niya

"Siraulo ka talaga bri, halika na nga baka ma late pa tayo eh". sabay hila ko sakaniya

Papunta na kami ngayon sa trabaho namin ni Bri, Well parehas kaming architect ni Bri.

Curious ba kayo kung sino pinag uusapan namin kanina? well..

--
Flashback

"Happy 5th anniversarry love!"- bati sakin ng bf kong si Daniel

"Happy 5th anniversarry din love!" Sabay halik ko sakaniya sa labi

"Ze, pag nakaipon nako magpapakasal na tayo ha?" sabi niya

"Oo naman, alam mo namang ikaw lang gusto kong makasama eh" sagot ko

"Iloveyou love!" sabay naming sabi

Masaya ang naging pagsasama namin ni Daniel, napabuti niyang nobyo at napaka maintindihin, wala na nga akong mahihiling pa dahil nasa kaniya na ang lahat. Nagpapasalamat talaga ako sa panginoon dahil nakilala ko siya.
Ngayon ang araw ng kasal namin ni Daniel, nakaipon na sya at may sarili narin kaming bahay.
--
Hindi ko maialis ang aking paningin sa salamin, minamasdan ko ang gown na sukat na sukat sa akin, handang handa nako para makasama habang buhay si Daniel.

"Anak, halika na para maaga tayo makarating sa simbahan" sabi ni mama

"Opo ma!" Masayang tugon ko
--
Nakarating na kami sa simbahan at talagang napakaraming bisita ang dumating, di rin mawala ang malaking ngiti ko sa labi sa sobrang saya.
Ngunit ang kanina kong ngiti, ay biglang napalitan ng pag-aalala ng ilang na ang nakalipas ay hindi parin dumadating ang aking nobyo.

"Ma! tawagan mo ang pamilya ni daniel, baka naman napano na sila" sabi ko na may pag aalala

"Sige anak, sandali" sagot ni mama

Habang naghihintay parin kami sa pagdating ni Daniel, may isang tao ang biglang dumating sa simbahan at tila may hinahanap, nang magtagpo ang aming mata ay bigla na lamang siyang lumapit at may ibinalita na talaga namang dumurog sa aking puso.

"Ikaw po ba si Ms. Zerraine? Ang ikakasal sana sa binatang si Mr. Daniel?" tanong nya

"Oo! Nasan naba siya? ha?" Tanong ko ng may pag aalala

"Pasensya na ho, wag po sana kayong mabibigla, pero ang inyong nobyo po ay naaksidente" turan niya

Natahimik ang buong paligid, walang sino man ang nakapagsalita matapos marinig ang balitang iyon. Di ko na napigilan pang magwala sa sobrang kalungkutan, madami ang nagpapahinahon sakin ngunit diko kaya. Mabilis ang nagtatakbo at hinanap ang pinangyarihan ng aksidente.
At doon nakita ko ang kalunos lunos na itsura ni Daniel. Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap ng mahigpit.

"Love! Lumaban ka please!" saad ko habang umiiyak

"Di ko na kaya, love hanggang dito nalang ako" tugon ni Daniel na hirap na hirap

"Please, wag moko iwan!" sigaw ko

Ngunit wala nakong narinig na tugon pa, at ng tingnan ko siya, nakapikit na ang kaniyang mga mata.

--

Book Cover:

Book Cover:

Hoppla! Dieses Bild entspricht nicht unseren inhaltlichen Richtlinien. Um mit dem Veröffentlichen fortfahren zu können, entferne es bitte oder lade ein anderes Bild hoch.
Wattpad Stories CompilationWo Geschichten leben. Entdecke jetzt