Tips para balikan ka ni Ex

947 3 0
                                    

Tips to get your Ex back: 18 Things you need to do

A/N: Ang mga mababasa mo na mga tips at signs sa librong ito ay hango sa karanasan ko at ng mga tao sa paligid ko. Pwedeng epektibo ito sayo, pwede ring hindi.

Warning 1: If you pirate this book, your soul will rot in hell.

Warning 2: Grammatical errors and typographical errors are present in this story.

Madalas kapag may kaunting tampuhan ang mag-partner, bukang bibig na ang break up. Tapos kapag naman nangyari na, tsaka marerealize na mahal pa pala nila ang partner nila. Lalo na ang mga babae, kapag nairita yan, break agad. Pero di naman kayang panindigan. Iwasan natin ang ugali na yan, kasi kapag si guy ang nagsabi na break na kayo, asahan mo wala na yang bawian.

Narito ang ilang tips na pwede mong gawin para balikan ka ni ex.

1. Siguraduhin na gustong makipagbalikan  

Kung gusto mong balikan ka ng ex mo, siguraduhin mong desidido ka at kakalimutan lahat ng nakaraan na. Magsisimula kayo ng panibagong yugto ng pag-iibigan kaya dapat ilibing na ang poot at galit sa nakaraan. Upang sa ganon ay walang sumbatan kung sakaling magkaroon ulit kayo ng kaunting tampuhan.

2. Magpa-miss ka/ No contact rule 

Ito ay talagang torture para sayo, pero maniwala ka makabubuti ito sayo at sa ex mo. After nyong mag-break, iwasan mo muna ang social media. Wag kang magtatangka na i-text sya o tawagan. Iparamdam mo sa kanya na hindi sya kawalan na iniwan mo sya. Kapag naramdaman nyang parang bigla kang naglaho sa sirkulasyon, mamimiss ka nyan. Magtataka yan kung ano na bang nangyayare sayo. Kung kumusta ka na ba. Mausisa mo, sya na mismo ang magte-text sayo para kumustahin ka. Kung magkatrabaho naman kayo, wag mong ipadama sa kanya na nasaktan ka sa break-up nyo. Wag kang makipag-usap sa kanya. Ituring mo sya na isa lang katrabaho o kakilala na hindi mo ka-close. For sure magtataka yan kung bakit nakakaya mong hindi sya kausapin.

3. Give him time and space 

Wag mo syang kulitin after ng break up nyo. Hayaan mo sya kung gaano pang space ang gusto nya. Giving him time and space allows you to think about the relationship and gives your ex time to miss you. Maaalala nya ang mga bagay na magaganda sayo at mga gustong-gusto nya sayo habang hinahayaan mo syang mapag-isa. Mas lalo siyang maiirita sayo kapag ang kulit-kulit mo. Kaya manahimik ka muna dyan at pasasaan ba at kusa din yang lalapit sayo.

4. Ayusin ang sarili/Get a new hobby  

Madami sa ating nalulugmok at parang pinagkaitan ng langit at lupa kapag iniwan ng jowa. Wag ganon besh. Dapat ang gawin mo, ayusin mo lalo ang sarili mo. Mag-focus ka sa buhay mo. Mag-gym ka. Magpa-ganda ka lalo, magpa-sexy, manamit ng maayos. Pero wag naman sobra at daring besh ha. Yung sakto lang na alam mong ikakagulat nya. Tapos wag mong ipo-post sa Facebook na nasaktan ka sa paghihiwalay nyo. Sa halip, ang i-post mo ay mga improvement mo sa sarili mo. Wag mong ipapakita sa kanya na kawalan sya.

5. No text terrorism 

Tigil-tigilan mo ang pagratrat ng text kay ex after ng break up nyo. Hindi ka na nga nya nirereplyan ang kulit-kulit mo pa rin. Wag mong ipakita sa kanya na sobrang clingy mo at needy. Ayaw ng mga lalake ng ganyan besh, nakaka-turn off yan. Kaya tigilan mo ang panghaharass sa kanya sa text, hindi yan makakatulong sa pagbabalikan nyo. Baka kamuhian ka pa nya pag ganyan ka.

6. Don't beg  

Wag na wag kang magmamakaawa sa ex mo na balikan ka. Magtira ka ng dignidad sa sarili mo. Hindi mo ba alam na mas lalong maiirita sayo si ex kapag para kang sira na nagmamakaawa sa kanya, bababa ang tingin nya sayo. Kaya hayaan mo sya, relax ka lang dyan. Manahimik ka at wag syang kulitin para ma-realize nya na parang hindi ka apektado sa paghihiwalay nyo.

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon