Signs na seryoso ang ka-chat mo

1.8K 4 0
                                    

Signs a Guy You Met Online Likes You and it could lead To Lasting Love

A/N: Ang mga mababasa mo na mga tips at signs sa librong ito ay hango sa karanasan ko at ng mga tao sa paligid ko. Pwedeng epektibo ito sayo, pwede ring hindi.

Warning 1: If you pirate this book, your soul will rot in hell.

Warning 2: Grammatical errors and typographical errors are present in this story.

Sa panahon ngayon kahit sa online ay pwedeng-pwede mo ng ma-meet ang inaasam-asam mong Prince charming. Pero paano nga ba malalaman na seryoso at gusto ka ng ka-chatmate mo.

Narito ang mga senyales na dapat mong pagbasehan at tandaan.

Ang mga signs na ito ay pwedeng i-apply sa Foreigner chatmate o Pinoy chatmate.

Disclaimer mga besh, this is base on my experience. Kaya manalig ka sa mga senyales na ito dahil subok ko na ito. I am almost 4 years married na sa chatmate ko dati, na asawa ko na ngayon at may anak na kaming isa.

1. Interesado sayo 

Kapag seryoso sayo ang ka-chatmate mo, he will show interest getting to know you. Interesado din yan sa family background mo. Interesado sya sa kung ano ang mga like and dislikes mo. At sa kung ano-ano pang bagay, basta related sayo.
Warning: Ingat sa scammer. Kapag bago pa lang kayo magka-chat ay pahapyaw lang ang pagkukwento sa kanya. Never ever give your personal information.

2. Mabilis mag-reply 

Kapag nag-start na kayong mag-chat, syempre magiging non-stop na ang usapan nyo. Pansinin mong mabuti kung mabilis ba syang mag-reply sayo o baka naman ilang oras bago ka nya i-reply. Kapag delay syang mag-reply pero online naman lagi, magtaka ka na. Ibig sabihin lang nyan ay hindi lang ikaw ang ka-chat nya.

3. Palaging nauunang mag-message sayo 

Kapag palagi syang nauunang mag-message sayo, ibig sabihin lang nyan ay gusto ka nya palagi kausap. Mapapangiti ka na lang kapag nabasa mo ang mensahe nya na good morning o good evening, take care. Simula na yan ng magandang simulain, besh.

4. Honest sya sayo 

Paano nga ba natin malalaman na honest ang ka-chat natin e hindi naman natin sya nakikita at nakakasama. Madali lang yan malaman. Dapat yung mga pinagsasasabi nya ay may proof. Like photos or videos. Kung seryoso ang isang ka-chat, magse-send yan sayo ng mga picture ng mga ginagawa nya o pinupuntahan. Ise-share nya sayo yung buhay nya kahit sa pamamagitan lang ng photos and videos.
Warning: Alamin ang pagkakaiba ng photoshop at original pictures para hindi ka maisahan ng mga online romance scammer.

5. May oras sayo 

Kahit sa offline dating o any relationship man ay mahalaga ang pagbibigay ng oras sa mga minamahal natin. Ganon din ang katangian ng isang seryosong ka-chatmate. Kahit magkaiba ang oras nyo, magpupuyat yan para lang makausap ka. Kahit kagagaling lang nyan sa trabaho ay icha-chat ka agad nyan. Pero dapat ay ganon ka rin sa kanya minsan.

6. Hindi ka sasabihan na mag-send ng nude pictures 

Alam naman natin na maraming manyakis at predator sa online. Kaya once na tinanong ka nya kung pwede ka bang mag-send ng nude o sexy picture sa kanya, aba umatras ka na. I-block mo na agad sya at i-report. Dahil ang ka-chatmate na seryoso ay may respeto sayo at kontento na sa magandang conversation nyo.

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon