Ugali ng boyfriend na dapat mong iwasan o layuan

621 2 0
                                    

Boyfriend Traits You Should Avoid

Ang post na ito ay pawang gabay lamang. Wag mo sana itong mamasamain.

Narito ang ilang klase at ugali ng boyfriend na dapat mong iwasan o layuan. 

1. Magaling magsalita, kulang sa gawa

Ito yung tipong ang daming plano, hindi naman kayang tuparin. Walang man of honor. Hindi sya marunong tumupad sa pangako. Puro lang sya salita. Lagi namang drawing ang sinasabi. Sasama lang ang loob mo sa ganitong klase ng lalaki.

2. Abuser
Kung si lalaki o si boyfriend ay abusado sayo. Nananakit sya physically and emotionally. You better run and stay away from him. Meron din namang lalaki na hindi ka nga sinasaktan physically pero bugbog ka naman emotionally. Sya yung tipo ng lalaki na minumura ka palagi, minamaliit, at sinasabihan ng masasakit na salita. Don't marry him, marry someone who lifts you up rather than brings you down.

3. Walang time sayo pero sa iba meron / Hindi ka pina-prioritize

Ito yung tao na mas inuuna pa ang tropa o ibang tao kaysa sayo. Nag-boyfriend ka pa kung hindi ka naman nya priority.

4. Obsess

Minu-minuto na lang ay tawag sya nang tawag sayo. Ayaw na ayaw ka nyang mawala sa paningin nya. Gusto nya ay sa kanya lang lagi ang atensyon mo. Sobrang clingy at needy nya. Kaya hindi ka na makagawa ng dapat mong gawin dahil lagi syang nakabuntot sayo. Sweet sya at lovable pero sobra na yung pagka-obsess nya sayo na nakakasakal na. Wala syang pakialam sa time and space mo. 

5. Makitid ang pag-iisip

Walang pinagkaiba ito sa taong immature at sobrang seloso. Napaka-kitid ng utak nya kaya lahat na lang ng ginagawa at sinasabi mo ay ginagawan nya ng ibig sabihin. Hindi pa sya marunong makaintindi ng paliwag. He also makes even the simplest things much more complicated.

6. Malandi

May girlfriend na pero nanlalandi pa sya ng ibang babae. Iwasan mo ang ganito. Sasakit lang ulo mo kapag ganito ang future husband mo.

7. Mama's boy

Hindi masama ang maging mama's boy, as long as nasa lugar ang pagiging maka-ina nya. Kapag sobrang mama's boy na sya na tipong wala na syang sariling desisyon. Na lahat na lang ay sinabi sa nanay nya. Naku, kawawa ka.

8. Makasarili

Kapag ang isang lalaki ay makasarili. Lahat ng masamang ugali ay nasa kanya na. Wala yang iniisip kundi sarili lamang nyang kapakanan at kaligayahan. Kaya umiwas ka sa ganitong lalaki.

9. Kaka-break lang sa Ex

Dahil broken hearted sya kaya gagawin ka nyang panakip butas. Magdalawang isip ka na kapag ang laging bukang bibig nya ay si ex. Tapos kinukumpara ka pa sa mahal nyang ex, wala ng respeto sayo ang tawag dun. Wag kang magbo-boyfriend ng ganito. Papayag ka ba na rebound ka lang?

10. Walang pakialam sayo

Ito yung tipong kakausapin ka lang pag gusto nya. Hindi nya pinapansin ang mga tawag at text mo. Wala syang pakialam sa nararamdaman mo. Tapos nandyan lang sya kapag may kailangan sayo. Pero kapag nakuha na ang gusto nya sayo ay nawawala na sya na parang bula.

11. Sinungaling

Magsisinungaling sya makuha ka lang, kahit dukha lang sya ay sasabihin nya na mayaman sya. Tapos may asawa pala sya, pero ang kwento nya sayo ay binata sya. Ang malupit pa, ilang beses mo na syang nahuling nagsisinungaling pero pinapatawad mo pa rin. If he's constantly lying about things like where he's been or what he's been up to, it's hard to trust him. Wake up, girl!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 18, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TIPS, SIGNS, RELATIONSHIP (To those who fall in love)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon