Birthday

7 4 4
                                    

🌹\\𝐎𝐧𝐞𝐬𝐡𝐨𝐭 - 𝐁𝐢𝐫𝐭𝐡𝐝𝐚𝐲//🥀

Claudine's POV

Nandito ako sa kwarto ko. Nag-cocompute ng points doon sa pa-game na ginawa ko sa ginawa kong group.

Akala ko masaya yun pala nakakastress huhu charot, masaya ako sa ginawa kong group. Tinutulungan din naman ako ng mga admins, moderator at ang co-creatress ng group kaya nababawasan ang stress ko.

Malapit na rin akong matapos kaya machachat ko na ang mga kaibigan ko, pati na rin ang mga admin at moderator sa group.

Malapit na mag-12am. Malapit na ang birthday ko.

At tapos na! Salamat sa Diyos at natapos ko rin! Kanina ko pa gustong maki-chika sa mga kaibigan ko eh!

Nag-chat ako sa gc naming tatlo. Nagulat ako dahil ang cold ng replies nila. Bakit kaya?

-argUmEnt 😎👈-

Ako;
hello guysss!!!

Amanda;
hai.

Althea;
yow.

Ako;
ba't ang cold niyo? :((

Amanda;
may ginagawa lang. sorry.

Althea;
busy. sorry.

Ako;
ay. sige babye. gawin niyo muna ginagawa niyo

At sineen nila ako. Naiiyak ako ha.. ang cold nila! Parang kanina lang excited na excited sila na birthday ko na..

"Claudine! Matulog ka na! Anong oras na oh", si Mama. Ano ba yan, nahuli ako ni mama huhu.

"Ma.. hinihintay ko pong mag-12am para birthday ko na. Matutulog na po ako, promise", sabi ko at tinaas ang kanang kamay ko.

"Happy birthday,anak", si Mama at kiniss ako sa pisngi.

"Matulog ka na ha?", tumango nalang ako sa sinabi ni mama.

Naisip ko na baka pinaprank lang ako ng dalawang yun. Ang hilig kaya nila mang-prank! Pinrank pa nga nila ako na nag-aaway sila eh! Naiyak kaya ako non ng onti! Inis ako eh.

Nag-facebook lang ako. Tamang scroll lang. Kausap ko rin ang mga admin at moderator ng group kaya hindi boring. Naka-close ko na rin sila eh.

12 na! Birthday ko na!

-argUmEnt 😎👈-

Ako;
guys! birthday ko na! istop niyo na yang prank niyo. di nakakatuwaaaa

Amanda;
happy birthday. bye muna may gagawin lang ako.

Althea;
happy birthday. may gagawin din ako. bye.

Ako;
ah sige..

Hindi sila nag-paprank?

Naiiyak ako.. Ba't ang cold nila? huhu. Birthday ko pero pinapaiyak nila ako..

Dahil naiiyak ako.. gumawa nalang ako ng story na tragic ending kasi naiiyak ako.

Pag-katapos nun ay natulog nalang ako.

•••

"Anak.. Gising na.. Birthday mo na", si Papa na ginigising ako.

"Good morning, Papa", bati ko at niyakap siya.

"Good morning, anak.. Happy birthday..", niyakap ako pabalik ni Papa. Pag-kagising ko nag-luluto si Mama ng umagahan namin.

"Ma.. anong lulutuin mo?", tanong ko.

"Spaghetti at lumpiang shanghai, bibili rin ang Papa mo ng cake, anak", si Mama dahilan na mag-liwanag ang mata ko. Cakeee!

"Yey! Thank you, Ma! Pa!", sabi ko.

"Spaghetti! Favorite ko yun!", ang bata kong kapatid, babae.

"Lumpia!", ang isa ko pang nakakabatang kapatid, lalaki naman.

•••

Tinutulungan ko sila Mama na ihanda ang handa ko. Kung pwede lang ako mag-imbita, edi sana ginawa ko na. Kaso delikado kasi may pandemic.. Sayang.

"Anak. Wala ka bang bisita?", tanong ni Mama.

"Wala po, ma", sabi ko.

"Sige, anak. Sakto lang pala ito sa dalawang yun", hindi ko narinig ang pangungusap na sinabi ni Mama. Ano kaya yun? Nabibingi na ako ah.

Nag-online ako sa cellphone ko. Hindi sila nag-chat..

-argUmEnt 😎👈-

Ako;
hai guys!

Amanda;
hello. aalis kami nila papa. offline na ako.

Althea;
may pinapagawa si mama. offline na rin ako.

Ako;
sige.. bye..

Sineen nila ako. Nakakasakit naman.. Hindi ba nila ako inaalala? Ayaw na ba nila ako maging kaibigan? Sawa na ba sila sa'kin?

"Tao po", nagulat ako ng may kumakatok sa labas ng bahay namin.

"Anak.. Paki-bukas naman ng pinto", si Mama.

"Sige po, ma", sabi ko at binuksan ko na ang pinto.

"SURPRISE!", nagulat ako ng sumigaw sila. Kakabukas ko palang ng pinto. Mag-kakaheart attack na sana ako kaso naudlot HAHHAHAHA.

"HAPPY BIRTHDAY CLAUDINE!!", sabi nila at niyakap ako.

Nandito sila Amanda at Althea. Ang mga kaibigan ko. Naiyak na nga ako kasi akala ko ayaw na nila sa'kin.

"Halaa! Ba't ka umiiyak? Sorry naaa! Ako nag-plano nun!", sabi ni Amanda at niyakap ako.

"Halaa! Sorry Claudine!", si Althea at niyakap din ako.

"Kala ko ayaw n-niyo na s-sa'kin..", sabi ko habang umiiyak. Kasi naman eh! Kala ko 'di na nila ako papansinin!

"'Wag ka umiyak uy! Mawawala pagiging dyosa mo! Ikaw nag-sabi samin niyan!", si Amanda at pinisil ang pisngi ko.

"Ang taba ng pisngi mooo! Sarap pisilin!", at pinisil-pisil niya ang pisngi ko.

"Amandaaa! Masakeet!" sigaw ko dito. Pinisil ko rin yung sa kanya.

"Enebe! Mesheket HAHAHAHHAHA", sabi nito at hinampas kami ni Thea dahil sa tawa.

"Aray ha!", angil ni Thea. At nag-hampasan at kurutan na nga kami.

"Mga anak. Kumain na muna kayo", si Mama.

Kumain kami at nag-kwentuhan. Nang-lait pa kami ng mga baliw na mapanaket na papol HAHAHAHHA.

Namiss ko kasama 'tong mga 'to!

Muli, ako si, Claudine Marie Writes. You just witnessed my unforgettable birthday.

•••

First of all, HAPPY BIRTHDAY CLAUDINEE!! I MISS YOUUUU! HUHU. LAHAM KETAAA! MBTC! I LOVE YOUUU! ENJOY YOUR BIRTHDAY! Sorry maikli! Binilisan ko kasi mag-12 na! Sana na-appreciate mo! Lovelots babi! (Kinape paste ko lang ta's kasama yan huhu, nakakaiyak)

Words Count: 887

-𝑻𝑯𝑬 𝑬𝑵𝑫-

Potato FilesWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu