Never again

5 4 0
                                    

🍁\\𝐎𝐧𝐞𝐬𝐡𝐨𝐭 - 𝐍𝐞𝐯𝐞𝐫 𝐚𝐠𝐚𝐢𝐧//🍂

Warning: This story contains self harm and death, if you're uncomfortable reading it, you can skip that part or this whole story. Thank you!

Tatiana's POV

Kakagising ko lang at may naisip akong kalokohan. May kaibigan akong nag-ngangalang Arabella, kaibigan ko na siya since elementary kaya ang strong namin.

May kaibigan din akong nag-ngangalang Mirabelle, naging kaklase ko siya nung highschool until now at strong din, since parehas sila ng belle at bella, plano kong pag-close-in sila HAHAHHAHA ang talino ko talagaaa!

Siguro kapag naging mag-kaibigan kaming tatlo, magiging strong din kami! Can't wait!

Chinat ko sila na mag-kita kami sa mall. Madali naman silang kausap kaya sumang-ayon agad sila. Mababait din ang mama nila kaya pinayagan agad, malakas ako kila tita e HAHHAHAHA.

"Hoy!", nagulat ako sa sigaw ni Ella.

"Tangina mo bente!", sigaw ko dito at hinila ang buhok niya.

"Aray ha!", angil niya kaya natawa ako.

"Tangina ka kasi, nagulat ako!", inis na sabi ko dito.

"Sorry na labyo HAHAHHAHA", at tinawanan pa ako ng gaga.

"Ba't ba nag-plano ka bigla ng gala ha?", tanong ni Ella.

"Basta, chill ka muna, may papakilala ako sayo", saad ko kaya ngumisi niya.

"Sino? May boyfriend ka na?!", tinakpan ko yung bunganga niya. Napaka-ingay ampotek.

"Wala, baliw", sabi ko kaya umupo nalang siya sa tabi ko.

"Oh ayan na siya", sabi ko kaya kinawayan ko si Elle.

"Yana!", niyakap niya ako. Nag-taka naman siya kasi may kasama ako.

"Sino siya?", sabay na tanong nila kaya natawa kami.

"Elle, meet Arabella for short, Ella, Ella, meet Mirabelle, for short Elle", saad ko at nag-kamayan sila.

"Hi", sabay nilang saad.

Awkward.

"Pinlano ko na gawin kayong dalawa na close, kasi kayong dalawa ang pinaka pinag-kakatiwalaan ko", sabi ko at ngumiti.

"Awkward, pero magiging mag-kaclose rin kayo, parehas kayo ng onti kaya madali lang kayong mag-kakaclose niyan", sabi ko kaya natawa ako. At nag-usap sila.

'Di kalaunan ay nag-ka-close na sila.

•••

Kachat ko ang mga kaibigan ko. Plano naming gumala eh HAHAHAHA.

"Anak! Andito na ang mga kaibigan mo!", si Mama kaya bumaba na ako sa salas.

"Yanaaaa!", sigaw nila at niyakap ako. 

"Arabella! Mirabelle!", sigaw ko at niyakap sila. Napaupo sila sa sofa kase tinulak ko na rin sila sabay yakap hehe sorna HAHAHHAHAHA.

"Ang sakit potek ka", si Ella.

"Ay sorry, skeleton ka pala", sabi ko kaya hinampas niya ako.

"Ang sakit ng buto mo bwiset ka", sabi ko dito. Ang sakit na nga ng katawan ko kasi buto rin si Mama pati ba naman kay Ella huhu.

"Sorry na HAHAHHAHA", tinawanan pa ako ng gaga.

"Sa'n punta na'tin?", tanong ni Elle.

"Sa puso niya yiii", tumawa ako sa joke ko tinulak nila ako kaya ako naman ang napaupo sa sofa.

Potato FilesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora