Bata pa lang si Avegail Anne alam niya na ang hirap na dinanas ng kanyang Ina simula ng nabuntis ito sa kanya. Pinamulat siya ng kanyang Ina sa magandang mundo at binigyan ng magandang buhay na pinapangarap ng lahat. Hindi man sila mayaman pero para sa kanya kayamanan na ang kanyang Ina. Lumaki man siyang walang ama hindi sapat iyon para magalit siya sa mundo at mga lalaki. Samakatuwid naging mabait siyang bata at masayahin. Hindi man nakaranas ng kalinga at pagmamahal ng isang ama, nagkaroon naman siya ng mga kaibigan na magmamahal sa kanya nang higit pa sa inaasahan niya. Ngunit Hindi man maituturing na pagkaka mali isang gabi ang nagpabago sa kanyang mundo.