Nakarating kami sa bahay ng walang nagsalita ni isa. Tahimik ang buong byahe. Mabilis lang, o baka naman hindi ko lang napansin dahil natuon lang sa labas ang aking atensyon. Kagustuhan ko rin naman ang hindi magsalita dahil baka sa dulo ay pumiyok lang ako at hindi ko makontrol ang sarili ko. Maiyak lang ako.Dere-deretso ako sa bahay. Pumasok ako kaagad sa kwarto at humiga katabi ng anak kong mahimbing na natutulog. Hindi na ako nakapagpalit ng damit. Nang tuluyan na akong nahiga at nayakap ang anak. Doon na nagsimulang magbagsakan ang mga luha na kanina ko pa pinipigilan. Napahagulgol ako. Pinipilit kong wag makagawa ng ingay para hindi magising ang anak ko.
Kailan ba ako huling umiyak ng dahil sa kanya?
Noong unang araw ko sa Chicago, umiyak ako dahil sa sobrang pangungulila sa lahat ng bagay. Pati sa mga sumunod na araw. Hindi ko matandaan kung kailan ako naging maayos o naging kuntento noon. Isa bang pagkakamali ang pag uwi ko? Bakit pakiramdam ko sobrang laki ng kasalanan ko.
Parang hindi ako makahinga sa sobrang sakit ng puso ko. Mali ba na umalis ako at piniling sarilihin ang problema para hindi siya maapektuhan. Mali bang pinili ko munang lumayo para hindi makatanggap ng pangungutya sa ibang tao. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Kaya ko bang lumaban? Para sa anak ko siguro, Oo. Pero paano kung hindi ko alam kung saan ako lulugar.
"Mommy....." Mahinang salita ng aking anak. Nagising siya. Dali dali kong pinunasan ang mga luha at umupo sa kama.
"Anak...nagising ka ba ni mommy? Sorry, sleep kana." Sabi ko at tatayo na sana para magpalit ng damit.
"Are you crying?" Tanong niya at umupo narin kagaya ko habang kinukusot ang mga mata.
"No, napuwing lang ako." Peke kong ngiti.
"Mommy, is it about to the party? What happened?" Taka niyang tanong.
"Wala naman." Sabi ko habang nagbibihis.
"Mommy..." Mahina niyang sabi na tila hindi na kuntento sa aking sinabi.
"Baby.." Mahina kong sabi habang umuupo sa kama. "Alam mo ba....nakita ko ang daddy mo." Dagdag ko habang hinihimas siya sa ulo.
"Really?! Then what happened? Did he asked anything about me?" Masigla niyang tanong.
Kita kita ko kung paano sumigla ang kanyang awra. Kung paano kumislap ang kanyang mga mata. Alam ko ngayon dahil sa ginawa ko, binigyan ko siya ng motibo. Pero anong magagawa ko? Hindi habang buhay ay kaya ko siyang ilayo sa katotohanan. Ayaw kong dumating sa punto na hindi niya na kilalanin si Aziel at magtanim siya ng sama ng loob rito, kahit ako naman ang umalis at ng iwan. Mahirap lumaki ng walang ama.
"No, but I know he will love you." Maikli kong sabi pampalubag ng loob.
"I hope he will." Malungkot niyang sabi. "Is he okay? I want to know him more." Pagmamakaawa niya.
Agad kong kinuha ang aking maliit na photo album. Pinakita ko ito sa kanya isa isa. Lahat ng litrato naming magkakaibigan. Ngayon, nakita ko kung paano nag iba ang kanyang ekspresyon. Tuwang tuwa siya pag may nakikita siyang mukha ng kanyang ama. Paano kaya pagnakita niya ito sa personal? Siguradong mas magiging masaya siya.
"You look cute together mommy!" Kinikilig niyang tili roon sa litrato namin ni Aziel ng graduation ko.
Same taste ah!
"Yeah, isa yan sa mga favorite ko actually. Haha" natatawa kong sabi.
"Then why did you broke up?" Bigla niyang tanong habang nakatingin parin sa mga pictures. Akala mo napakasimple ng tanong niya at tila ba wala siyang pakialam. Bata ka pa oy!
BINABASA MO ANG
Touch Again (CS #1) COMPLETED
General FictionBata pa lang si Avegail Anne alam niya na ang hirap na dinanas ng kanyang Ina simula ng nabuntis ito sa kanya. Pinamulat siya ng kanyang Ina sa magandang mundo at binigyan ng magandang buhay na pinapangarap ng lahat. Hindi man sila mayaman pero para...