Si Aziel.Biglang sumikdo ang aking puso.
Gagi! Kailan pa siya naging ganito ka gwapo?
Naka-sweatshorts siyang gray, t-shirt na plain white v-neck at rubber shoes na white. Kaya parang nasilaw rin ako sa pagpasok niya kasi sobrang light ng mga suot niya at ang init pa sa labas! Isang buwan ko lang naman siyang hindi nakita pero bakit ang laki ng pinagbago niya. Myghad!
Araw araw ba siya sa gym?!
"Ang gwapo ko ba? Sorry ah!" Biglang sabi ni Earl sakin.
"Pinagsasabi mo?"
"Nakatulala ka kasi sa'kin simula ng pumasok ako sa pintuan." Ngiti niyang sabi.
Ang yabang naman.
"Baka ikaw." Sabi ko sabay bigay ng order ko at pera kay Yuzel.
"Baka ako." Sabi ni josh.
"Hindi ka kausap." Pambabara ni Earl.
"Baka si Alvin." Ngiti kong pangaasar sabay tingin kay Alvin.
"Tangina naman Avegail! Ayan ka na naman e. Ako na nga magoorder senyo, bro." Naiinis niyang sabi sabay tayo at lakad papunta sa counter.
"Sama ako!" Habol ni josh.
"Halah ako rin, may ipapa-add ako e." Sabi ni Earl at humabol na sa dalawa.
"Cr lang ako medyu na hindi naayos mukha ko sa School kanina dahil nagmamadali ako." Sabi bigla ni haliegh.
"Halah may iaayos pa ba yan? Ang ganda mo na nga eh!" Sigaw ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin.
Iniwan nila ako kasama si Aziel, bigla tuloy akong napatingin sa kanya. Nagulat ako nakatingin rin pala siya sa'kin.
Wait!
Pinaayos niya 'ba kilay niya, gumanda ata pagkakatubo. Ang arte naman may skin care na ata siya e. Yong ilong niya natural na matangos talaga, matangos rin naman ang sa'kin pero yong sa kanya maganda pagkakahulma. Ang ganda rin ng lips niya, hindi kasi siya nagsisigarilyo. Hindi siya mapanga sakto lang, malaman laman kasi siya hindi tulad ko na buto buto. Nakawax buhok, ay for sure bagong ligo 'to. Naka-krus mga braso niya sa dibdib, flex na flex muscles natin ah! Ilang taon na nga siya? 18? Sakto lang yang katawan niya hindi sobrang laki, maganda pagaalaga niya. Ang pangit naman kasi pagsobrang laki ng mga muscles niya e, bata pa siya. Matangkad 'to siguro mga 5'10 o 5'11. Pagmagtabi kami para akong kapatid niya.
Pero bat ko ba iniisip na magtatabi kami, duh as if naman. Iniiwasan ko nga siya diba, tapos magtatabi kami. Tsaka naiinis ako sa kanya, ginulo niya utak ko gamit ang mga salita niyang wala namang kaakibat na paliwanag. Ano akala niya sa'kin manghuhula.
"You done?" Bigla niyang sabi na ikinagulat ko.
"Hah?" Gulat kong tanong. Parang bigla akong nabalik sa wisyo.
"Wag mo'kong tignan." Deretso niyang sabi.
"Tinitignan ba kita? Duh" sabay irap ko.
"Ganyan mo ba ako ka ayaw kasama?" Bigla niyang sabi gamit ang mahina at malungkot na tono.
Bigla akong napaayos ng upo.
"Hindi naman sa ganoon" mahina kong sabi sabay yuko ng aking ulo dahil hindi ko nakayanan ang mga tingin niyang pumapasok sa kaloobloban ko.
"Pero iyon ang pinakita mo kanina." Sabi niya na parang may hinanakit. Tumahimik nalang ako dahil wala akong mahagilap na sagot. Hindi naman kasi sa ganoon. Nagulat lang ako.
"Dahil ba hindi ako Basketball player kaya parang nandidiri kang lapitan ako?" Dagdag niya kaya doon na ako napataas ng tingin sa kanya at gulat na gulat. Nagbabasketball naman siya sa school nila pero mas priority niya ang pagaaral.
"Dahil ba hindi ako mabango katulad ng player mo?" Dagdag niya ulit.
Myghad! Aziel what are you talking about!
"Here we go again." Bulong ko sa gilid ko.
"Yeah, here we go again." Panggagaya niya sa'kin .
Ay narinig.
"Ano ba kasing problema mo?" Hindi na'ko nakatiis kaya tinanong ko na siya. Mabuti ng magkalinawan tutal ang tagal ng mga kaibigan namin sa counter baka nagtatalo talo pa sa order nila.
"Ikaw." Deretso niyang sagot.
"Ako? Bakit ako?" Nagtataka kong tanong habang nakaturo sa sarili.
"Kasi ikaw ang gu...."
"Grabeee ang arte ni yuzel, tinarayan tuloy kami ng cashier roon." Biglang sabi ni Earl kaya hindi na tuloy ni Aziel ang sasabihin niya. Epal talaga 'tong Earl kahit kailan. Hindi ko tuloy narinig.
"Duh, nakita niyo ba siya iyong naginarte ng una sinabayan ko lang." Maarteng sabi ni Yuzel.
"Sige nga isang giling nga diyan!" Natatawang sabi ni Alvin.
Nagkatinginan kami ni Aziel.
"What?" Mahinang senyas ko sa kanya na tamang buka lamang ng bibig at walang ingay na ginawa. Nacurious ako sa sasabihin niya!
"Tsk" iyon lamang ang ginawa ni Aziel. Ang gulo niya talaga.
"Oh, problema mo bro!" Sabay tapik ni josh sa balikat ni Aziel.
"Alis na'ko." Bigla na lamang tumayo si Aziel sa kanyang kinauupuan at umalis ng hindi kami nililingon.
"Anyari roon?" Tanong ni Alvin
"Aba malay ko nasa counter tayo diba?" Pabalang na sagot ni Yuzel. Kaya sabay sabay silang tumingin sa'kin.
"Oh bakit ako? Wag niyo 'kong tatanungin may nagtxt ata sa kanya." Pagsisinungaling ko. I'm sorry Papa Jesus.
Biglang nagvibrate cellphone ko, may nagtxt.
Aziel:
I like your bra.
Whuat the hell Aziel! Biglang umusok ilong ko, parang gusto kong sumabog. Pumikit ako ng mariin at huminga ng malalim.
Exhale, Inhale.
Bigla akong tumingin sa'king baba, I'm wearing a V-neck white t-shirt at may heart itong black sa parteng dibdib ko. Tinignan ko ng maayos at iniisip kong paano niya nakita bra ko ng biglang may nag txt na naman.
Aziel:
Done checking?
Aziel:
Just kidding. Wala ka namang dd.Maslalo akong nainis sa huling sinabi niya, gusto kong maiyak. Mama.
Aziel:
Wag ka ng sumimangot.Aziel:
May alam ako pa'no mapalaki yan.Iniisip ko kung ano sinasabi niya ng bigla itong nagsink in sa utak ko.
"WATDAPAK!" At hindi ko na napigilan ang sarili ko bigla akong napasigaw sa loob ng shop. Pinagtitinginan tuloy ako.
Yari ka saking Aziel ka makita lang kita, babalatan kita ng buhay. Sinasabi ko sayo!
Nakakahiya tuloy!
BINABASA MO ANG
Touch Again (CS #1) COMPLETED
General FictionBata pa lang si Avegail Anne alam niya na ang hirap na dinanas ng kanyang Ina simula ng nabuntis ito sa kanya. Pinamulat siya ng kanyang Ina sa magandang mundo at binigyan ng magandang buhay na pinapangarap ng lahat. Hindi man sila mayaman pero para...