I

100 13 2
                                    



"EPALLL KAAA TALAGAAAA!"

Sa sobrang lakas ng boses ko feeling ko nayanig ang buong sala namin.


"Bakit? Ang cute mo kaya dito HAHAHA" pang-aasar niyang sabi sa'kin.


" Araw araw ka na ngang andito sa bahay tapos hindi ka pa nagsasawa sa kakatingin mo diyan?" Sabay turo ko sa photo album na puro pictures ko ng bata ang laman.


" Aziel , bitawan mo na yan mamaya palayasin tayo rito ng wala sa oras." Natatawang turan ni Earl.


"Bat ka ba kasi andito? Ang laki laki ng bahay niyo, hindi kayo kasya sis? " sabi ko sabay irap.


" Wala ka roon eh" Mahina niyang sabi niya sabay kibit balikat.


" Wala talaga kasi andito ako."

"Alam mo Sis ang sama ng ugali mo" sabi ni Haliegh sa'kin.

Totoo naman kasi porket mabait nanay ko at palaging wala rito sa bahay ay dito na sila tatambay. Hindi rin malaki bahay namin, sakto lang may maliit na sala, may maliit na kusina at may dalawang kwarto. Wala kaming second floor kasi hindi naman kami tulad nila Aziel na mayaman pero nasa iisang compound lang kami nakatira.


"Bat hindi ka nalang maging masaya? Nagusap kayo ng crush mo ng nakaraan diba? yieehh" kinikilig na pangaasar ni yuzel sa'kin.


"Halah may crush kana? Sino ? Sher naman diyan " chismosong tanong ni Alvin.

"Ikaw crush ko! yieeh" deretso kong sabi kay kay Alvin at may pa kindat pa.

"Yucks, hindi tayo talo Avegail kadiri ka!" Parang nandidiri niyang turan. Nakapaka arte naman bigwasan ko siya diyan e, lugi ka pa ah!


" Ave, ano pagkain niyo?" Mahinang tanong ni Josh.


Napakalamuniro talaga nito.

" Aba malay ko! Kusina ako?" Pambabara ko.

"Porket nag usap lang kayo ng basketball player mong crush. Tsk"

Halah, ang ingay nito.


" Aziel , crush raw oh! ehem nurse!" Sigaw ni Earl.


Wala talaga 'tong kwenta kahit kailan. Pero anong nurse pinagsasabi nito. Hindi ko na lamang pinansin ang nurse na pinagsasabi niya kasi hindi ko naman alam kung ano ibig niyang sabihin.

"Oh! Tama na 'yang pagtatalo ninyo nagluto ako ng carbonara roon. Mag meryenda na kayo." Biglang sigaw ni mama mula sa kusina.

"The best ka talaga titaaa! Kaya labs na labs kita eh!" Sabi ni yuzel sabay ingkis ng braso sa'king nanay.

Ay nanay mo 'te ?

"Sipsip." Biglang sabi ni Earl sa kanya.

"I'm not talking to you" mataray rin na sabi ni Yuzel kay Earl sabay irap.

'Tong dalawang to pagnagkatuluyan papapyesta talaga ako.

"Thank you po tita." Sabi ni Haliegh kay mama sabay ngiti ng tipid.

Mabuti pa 'tong isang to mabait, tahimik, ang ganda pa. Hindi siya sobrang puti hindi rin maitim pero matangkad, 5'5o 5'6. Kaya nga siya 'yong muse namin at panglaban sa pageant. Bagsak ang natural niyang mahabang buhok, sexy pa.

Chix witwiw!

"Sige na punta na kayong kusina, Gail papasok na ako ah! Ikaw na bahala sa mga kaibigan mo."


"Opo ma, ingat po kayo."


Nurse kasi si mama, ewan ko bakit hindi niya tinuloy ang pagdodoctor matalino naman siya. Pero ang alam ko after siya mabuntis ni papa hindi na siya nagtuloy sa pagdodoctor kasi nahihiya raw siya kila lola at tita. Yong papa ko naman bigla nalang nawala umurong ang bayag sa responsibilidad.

"Grabe ang sarap talaga ni Tita magluto noh!" Parang batang tuwang tuwang turan ni Yuzel.

"Lahat naman masarap sayo." Sabi ni Earl.

"Ikaw lang naman 'di masarap para sa'kin."

"Aba't ...."

"Nasa hapag kainan tayo tapos ganyan ugali niyo?" Mahinhing sabi ni Haliegh.

Ay dyosang dyosa panes!
Nagsorry nalang silang dalawa , nakakahiya talaga kay Haliegh.

"Gayahin niyo yong iba diyan tahimik kasi nakausap crush niya" parinig ni Alvin.

"Ay 'yon ba yong basketball player?" Patay malisyang tanong ni Josh.

"Ay ako ba 'yong tinutukoy niyo?" Sabat ko.


"Kakapal ng mukha ah parang wala ako sa harap. Parang wala sa pamamahay ko at parang hindi ko pagkain ang nginunguya niyo ah!" Dagdag ko pa.



"Excuse me! Pamamahay mo pero hindi mo pagkain. Bakit ikaw ba ang nagluto?" Mataray na sabi ni Yuzel.


Ay atechona!


" Ano ba pangalan ng crush mo?" Tanong ni Alvin.


"Alvin." Deretso kong sagot para maasar siya.

"Halah, kadiri ka talaga. Dugyot ampucha!" Naiinis niyang sabi.

Excuse me lang ah, para namang crush ko talaga siya. Bigla akong napalingon kay Aziel dahil sa pagubo niya.


"You okay?" Tanong ko sabay abot ng tubig sa kanya.

"Ang pangit mo naman pumili ng magugustuhin." Biglang sabi ni Aziel.

"Hah?" Taka kong tanong pero wala akong nakuhang sagot.

"Keil Raven, ehem! ehem!" Nauubong parinig ni Yuzel.

Wala na, nahihiya na ako sa kanila. Okay naman na sana asarin nila ako sa basketball player pero hindi na sana nagdrop name. Hindi ko naman crush 'yon na as in dead over heels, magaling lang talaga siya mag Basketball at sobrang bait.

Hanggang sa natapos kaming kumain at napuno ang kusina ng asaran about sa crush ko. Ako nalang ang naghugas ng pinggan, well wala namang bago roon.


"May gusto ka roon?"

"AY PWET MO!!" Sigaw ko dahil nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Aziel sa gilid ko. Nakasandal siya sa countertop habang may bitbit na baso sa kabilang kamay.

"Maputi" bigla niyang sagot. Pilosopo.

" Ano ba kasi kailangan mo?" Inis kong tanong. Pogi naman sana siya e, kaso ang lakas mang asar. Syempre makinis kahit moreno syempre mayaman e, penge skin care!

"Gusto mo ba siya?"

"Sino?"


"Your Basketball player."

Ah! Si Keil!

"Hindi." Deretso kong sagot kasi hindi naman talaga. Crush ko siya, Oo. 'Yong tinutukoy nila na nagusap kami last time, Nagtatanong 'yon about kay Haliegh. Nagulat ako ng bigla siyang lumapit sa'kin at nilagay ang baso sa lababo kasama ng mga hugasin ko sabay bulong.

"Good, dahil hindi kita hinintay na mag-eighteen para lang mapunta sa iba."

Touch Again (CS #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon