XXXVII

22 0 0
                                    

"Mommy, pagkinasal ba kayo daddy, family na tayo?" Bigla tanong ng anak ko habang parehas kaming inaayusan.

"Opo." Simple kong sagot.

"Hmmm, ibig ba sabihin magkakaroon na ako ng mga sisters and brothers?" dagdag niyang tanong.

Ay wow, iba! Plural na plural. Ano gusto niya, magkaroon ng teammates at bumuo ng basketball team at PEP Squad. Parang pinupulot lang ang bata ah.

"Hmmm, maybe? Pero wag naman lagyan ng S baby. Maawa ka kay mommy. Ang hirap kaya umere." Ngiti kong sagot na siyang kinatawa ng mga make-up artist at stylist.

"Ang cute cute naman po ng anak niyo ma'am." Ngiting sabi ng isa.

"Ay, naku, salamat po." magaan kong sabi.

"But, I am pretty, sabi ni daddy." Biglang sabi ng anak ko. Hindi naman niya ginamitan ng maarte or malditang boses kaya natawa nalang kami.

"You're both baby." Sabi ng boses na kakapasok lamang sa kwarto. 

Si Haliegh. Nakasuot ito ng causal beach chic dress at kitang kita ang hubog ng kanyang magandang katawan. Lalo na ang makinis na braso at perkpektong pagkahulma ng collorbone. Sanaol. Sumasabay sa kanyang bawat hakbang ang laylayan ng suot na dress.

Dahil inaayusan ako, sa salamin na lamang kami nag ngitian. "Ang ganda ganda mo." malapad na ngiti kong sabi sa kanya. Bigla siyang nahiya ng mapunta sa kanya ang atensyon ng mga taong nasa loob ng kwarto ko.

"Siraulo." Simple niyang sagot bago dumeretso sa aking anak.

"Hi po tita mommy! You're so pretty po!" rinig kong giliw na sabi ng anak ko.

"You too baby. Ang cute cute mo at ang ganda ganda mo. Baka ako ang nanay mo, halah!" Natatawang sabi ni Haliegh.

"Eh kung pauwiin kaya kita tas itakwil kita bilang kaibigan, ano Haliegh? Mas okay ata 'yon." Kunwari ay naiinis kong sabi.

"Eh kung palayasin ko kayo dito sa probinsya ko at pabalikin ko kayong Manila? Mas lalo atang maganda 'yon." Kalmado niyang sabi.

Tumawa na lamang ako at hindi sumagot. Bilang lamang ang mga ganitong pagkakataon sa aming dalawa ni Haliegh. Alam naman nating lahat na hindi siya ganon ka hilig makipag usap ng kay haba-haba at halubilo sa tao. Mas lalo pang lumala ang lahat noong bumalik ako mula sa ibang bansa. Gustong gusto kong magtanong, pero sobra rin ang respeto ko sa kanya. Gustuhin ko mangmagtampo, magkaroon ng sama ng loob, kaso hindi na kami mga bata eh. If hindi naman na niya siguro, alam ko namang lalapit at lalapit siya sa amin para humingi ng tulong. I know Haliegh. Alam kong matapang siyang tao. Pero lahat tayo may kahinaan.

"Ang gandaaaa moooo omg!" Sigaw ni Yuzel na may halong tili.

Sabay-sabay kaming napalingon sa pinto dahil sa ingay ng isang babaeng akala mo palaging nakalunok ng megaphone. Minsan nagtataka na ako kung dancing ba talaga ang line nito or singing eh.

"Sakit sa tenga be ah" reklamo ko.

"My god, baka lumuwa mata ni Aziel pagnakita ka niya mamaya, omg! omg! I'm so excited!" tili niyang paulit ulit na tila ayaw pa magpa awat. Lumapit pa siya mismo sa akin at saka umikot ikot at binusisi ang buong katawan ko simula ulo hanggang talampakan. Yes, talampakan. Pati kuko ko sa paa ay inisa isa niya. Bweset.

"Hibang ka ba? Tigilan mo nga yan." Saway ko sa kanya. Ang kulit kulit kasi alam naman niyang inaayusan ako eh. Ngayon pa na asa damit na kami kaya maraming nag aassist sa akin. 

"Hoy, punyeta ka!" Iwas ko ng sinubukan niyang hawakan ang magkabila kong pisngi.

"Ay! Ops! Sarey! hehehe" ngiti niyang sabi at nagpapacute pa nga.

Touch Again (CS #1) COMPLETEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon