Briccio University"Sayang sana kasama natin sila josh at alvin ngayon." Malungkot na sabi ni Yuzel.
"Sana kasi ikaw nalang ang lumipat." Buntong hiningang sabi ni Earl.
"Epal! Sana hindi ka makapasa."
"Sana ikaw kamo. Puro kembot kembot lang naman gagawin mo ri'to. Magkakalat ka pa!"
"Baka ikaw ang kalat! Mas mukha kang basura!"
"Baka mamaya kainin mo yang sinasabi mo ah!"
Natawa ako sa biglang sabi ni Earl. Baka maging sila e, halos kulang nalang magpatayan na sila pagmagkasama.
"Ang ingay mamaya sabay sabay tayong bumagsak rito." Natatawang sabi ni Haliegh.
"Wag naman! Sayang ang Future Nurse niyo." Parang natatakot kong sabi. Pinili ko nalang ang Nurse para nga katulad sa sinabi ni Yuzel hindi ako mapag iwanan. Saka ko nalang iisipin pagmag aaral ako ulit. "Basta manalig lang tayo! Sabay sabay tayo papasa!" Matapang kong sabi. Pero sigurado akong papasa kami lahat dahil walang bumabagsak rito. Late ang entrance exam nila dahil sure naman na pasado ang sinumang mageexam. Agawan nalang ng slots.
"Oh ano saan tayo ngayon?" Sabi ni Earl. Pero hindi pa kami nakakasagot may sabay sabay kaming napalingon sa tumatawag sa'king pangalan. Si keil.
"AVEGAIL! AVE!"
"Oh bakit? Tapos kana ?" Tanong ko sa kanya mg tuluyan siyang nakalapit.
"Ah, oo medyu mahirap nga e." Sabi niya at napakamot sa ulo ng malingunan si Haliegh sa'king gilid. "Pero kukuha naman ako ng Scholarshp, baka maging athlete na naman ako." Dagdag niya pa.
"Wow congrats! Maging team captain ka sana!"
"Hindi rin. Nakita ko Captain nila medyu maangas, natakot nga ako e."
"Baliw kaya mo yon! Ikaw pa ba." Pagpapalakas ko ng kanyang loob.
"Hindi iba talaga kutob ko e."
"Ah, hindi pala ako makakasama sa inyo kasi kailangan kong tumulong sa bahay." Biglang singit ni Haliegh.
"Hah? Para saan?" Tanong ni Earl.
"Birthday ng kambal." Mahina niya lamang sagot.
"Ah sige una na rin ako." Bigla ring sabi ni Keil.
"Yeah, you should." Nagulat ako sa tono na ginamit ni Aziel.
"Aziel." Pagbabanta kong sabi sa kanya.
"What? Uuwi na rin kasi tayo diba?" Tanong niya pero hindi ko pinansin.
"Sige Keil ingat ka, sabay na kayo ni Haliegh oh!" Pagtulak ko sa kanya papunta kay Haliegh.
"No. I need to go somewhere pa e. Sige gotta go!" Mabilis na sabi ni Keil at iniwan kami. Napatingin ako kay haliegh at nahuli kong siyang nakatingin sa likod ni Keil ng nagsimula na itong maglakad papalayo. Napatingin siya saking gawi pero agad ding binawi at parang nahihiya.
"Una na ako." Hindi na kami hinayaang sumagot ni Haliegh at umalis nalang. Gusto kong humingi ng tawad kasi feeling ko nasaktan siya sa ginawa ko. I mean parang napahiya siya sa pagtanggi ni Keil. Ang bobo naman kasi ni Keil akala ko ba pag college namin saka siya gagawa ng moves!
"Grabe gurl ano yon? Si keil? Halatang gustong gusto ka ah! Pati rito sinusundan ka!" Pang aasar ni Yuzel.
"Hoy babae manahimik ka nga diyan. Ang landi landi mo." Pagsaway ni Earl rito. Alam kong ginagawa niya lang to dahil may alam siya sa relasyon namin ni Aziel. Bigla tuloy akong napalingon sa boyfriend ko.
BINABASA MO ANG
Touch Again (CS #1) COMPLETED
General FictionBata pa lang si Avegail Anne alam niya na ang hirap na dinanas ng kanyang Ina simula ng nabuntis ito sa kanya. Pinamulat siya ng kanyang Ina sa magandang mundo at binigyan ng magandang buhay na pinapangarap ng lahat. Hindi man sila mayaman pero para...