"Anong oras uuwi sila daddy mo, bro?" Tanong ni Alvin kay Aziel."Tomorrow."
"Dito nalang ako matutulog ,bro peram ng damit" sabi no Josh. Grabe wala man'lang favor.
"Tapos hindi mo na ibabalik?" Sabi ni Aziel sabay tungga sa bote ng beer.
"Sa magkakaibigan may batas, pwedeng manghiram o pwedeng manghiram. Pagsinabing dapat isauli pero hindi mo sinauli, nagcomply ka at binago mo ang law ng tropa ay pede na pala manghiram ng walang sauli sauli." Seryosong sabi ni Josh.
"HHAHAHAHAHAHHAH tangina mo talaga josh" mura ni Alvin sa kanya.
"Hahaha"
"Hahahaha siraulo"
"Hahahhah oks lang yan kamukha mo naman si Kim chui e," natatawa kong sabi.
"Weh, kasali ka? Dito lang oh, dito" sabi ni alvin sabay guhit ng linya sa hangin na anomo'y binabakuran ang area nila. Isip bata!
"Shermolang" pambabara ko.
"Oo mukha ka kasing papel" sabi niya pa.
"Ikaw? Mukha kang tae. Tanungin niyo 'ko kung bakit." Panguutos ko sakanila pero walang sumagot.
Mga epal! Walang pakisama.
"Tanungin niyo kasi ako walang cooperation"
Ay ayaw talaga.
"Bakit nga kasii dali na!" Pamimilit ko sa kanila.
"Magkakaibigan ba talagaaa tayoo!?"
"Bakit ngaa kasii!"
Sunod sunod kong sabi kasi wala talagang sumasagot. Ang sasama ng ugali nila.
Bakit ko ba sila naging kaibigan?
"Bakit?" Tanong ni Aziel kaya bigla akong na patingin sa kanya, hindi tuloy ako nakapagsalita dahil sa lalim niyang makatingin. Bakit ganyan ang mga mata niya nakakalambot ng tuhod, biglang lumamig at nanginig kamay ko kaya binaba ko ang boteng hawak ko at hindi na tinuloy ang balak kong joke para asarin si Alvin. Nagpaalam muna ako na mag ccr ako.
"Oy, tama na'to ah tig-isang bote lang tayo ng beer." Rinig kong sabi ni Haliegh bago ako tuluyang pumasok sa loob nila Aziel at iniwan sila sa garahe habang naguusap ng kung ano ano.
Naghilamos ako ng mukha para mawala ang tama ng alak kahit wala naman talaga. Bakit kami malalasing sa isang bote. Kahit grade 12 palang kami natuto na kami uminom ng alak pero hindi kami katulad ng iba na hindi alam ang limitasyon sa sarili. 'Yong mga tropa kong 'yon ay may respeto, bata palang kami magkakaibigan na kami. Wala sa bokabularyo nila ang mangbastos at manakit sa'min.
Kaya 'yon ang kinatatakot ko. Magkaibigan kami, at hindi dapat niya ituloy kung ano man ang binabalak niya. Masisira kami nito, hindi lang kami kundi ang buong tropa. Wag siyang gagawa ng isang bagay na hindi niya kayang panindigan.
Hindi ako matalino. Hindi rin ako bobo. Kaya alam ko kung ano ang ginagawa niya. Kahit wala akong alam sa field na'to, hindi rin ako ignorante.
After ko maghilamos ng punas na ako ng mukha at tumingin sa salamin. Tama si Alvin, para akong papel sobrang putla ng kutis ko at marami akong nunal sa mukha parang kastila. Maliit lang ako mga 5'2 and half, payat because I didn't consider myself as sexy. Malabo mata ko kaya nagsasalamin ako sa klase, mahaba buhok ko pero hindi straight katulad ng kay Haliegh, hindi rin siya buhaghag sakto lang katulad ng pangkaraniwang buhok. Hanggang baba ng dede ko, pero wala talaga akong dede. Flat.
Nagulat ako ng biglang may kumatok.
"You done?" Si Haliegh.
"Yeah, palabas na."
Paglabas ko nakita ko siyang nakasandal sa gilid ng pintuan. Nakatayo. Nakacross ang dalawang kamay. Tindig palang may dating na.
"What was that?" Bigla niyang tanong sa'kin sabay ayos ng tayo.
Napatingin ako sa kanya gamit ang mga nagtatanong na mata. "Ano ibig mo sabihin?" Tanong ko. Dahil wala talaga akong ideya.
"Ayusin niyo yang mga sarili ninyo pag nasa harap ng tropa." Malalim niyang sagot. Parang pag babanta.
Pagkatapos niya sabihin iyon bigla nalang siya tumalikod. Pero nakakadalawang hakbang palang ay nilingon niya ako.
"Tatanggapin ko kahit saan man kayo humantong. Always." Dagdag niya bago tuluyang umalis at iniwan akong tulala.
Iisa ba kami ng iniisip patungkol sa mga kataka-takang galaw ni Aziel?
Aziel Arradaza, you fucking Asshole!
BINABASA MO ANG
Touch Again (CS #1) COMPLETED
General FictionBata pa lang si Avegail Anne alam niya na ang hirap na dinanas ng kanyang Ina simula ng nabuntis ito sa kanya. Pinamulat siya ng kanyang Ina sa magandang mundo at binigyan ng magandang buhay na pinapangarap ng lahat. Hindi man sila mayaman pero para...