- ETERNITY ALYA DELA CRUZ January 6, ××03 - March 12 ××21 You will be forever in our hearts - Lumuhod ako at nilapag ang palunpon ng bulaklak sa lapida niya. Hinawi ko pa ang mga tuyong dahon na tumatakip dito. Bumuntong hininga ako at pumikit. Inaalala ang mga magagandang ala-ala nating dalawa. Mula sa mga mahaba at itim mong buhok, ang clip na may maliliit na diamante na paborito mong sinusuot, ang mahahabang pilikmata, ang mapupulang mga labi, ang maga-ganda mong mga mata, ang pamumula ng iyong pisngi at ang iyong mga ngiti. Napangiti ako ng mapait at hindi napigilan ang pagbuhos ng mga luha. "Ano ba talaga ang nangyari Eternity?" Bumuntong hininga ako at hinaplos ang pangalan niya sa lapida. "Bakit kailangan mo akong iwanan ng ganito?" Tanging ang mahihinang iyak ko lang ang maririnig kasabay ng malakas na ihip at sipol ng hangin. "Kasalanan ko ba talaga? Kasalanan ba talaga namin?" Nilibot ko ang mga mata sa kalangitan na kulay kahel na dahil sa papalubog na araw. "Bakit parang hindi kita kilala Eternity? Bakit ibang-iba ka sa kwento nila? Hindi ko na alam ang gagawin ko. Tulungan mo naman ako" Sumulyap ako sa lapida kung saan naka ukit ang pangalan ng taong pinakama-mahal ko. Ano ba talaga ang nangyari sayo Eternity? Parang awa mo na, tulungan mo kong intindihin. - Gabriel Constantino