5

1 0 0
                                    


ALLIYAH KIM CALLINO

××

March 14, ××21

6:05 am

"ANO BA?! SINABI KO NA SAYO NA WALA PA KONG PANGBAYAD DIBA? PARA NAMANG DI KA BABAYARAN E"

"NAKO LISA! KUNG IPINANGBABAYAD MO NA LANG NG RENTA ANG PINAGSHA-SHABU MO EDI SANA MAAYOS TAYO"

"SAAN MO NANAMAN BA NARINIG YAN?! HINDI AKO NAGSHA-SHABU NO! UMALIS KA NA NGA DITO. MAMAYA ISASAKSAK KO SA BAGA MO BAYAD SA UPA KO. CHISMOSA KA TALAGA"

Narinig ko ang malakas na pag bagsak ng pinto.

"Bwesit talagang Aling Nena yon. Napaka chismosa. Oh? A-anak? Kanina ka pa ba gising?"

Tiningnan ko lang siya at tumango bago dumiretso sa kusina para magluto ng umagahan.

Inilapag niya ang bag niya sa lamesitang kahoy at umupo sa kahoy na kawayan. Nilabas niya ang yosi niya pero agad ding inalis ng makitang nakatingin ako. Ngumiti siya at tinago ang yosi at tumayo.

"Ma-matutulog na ko. Nakakapagod ang daming customer sa bar kagabi"

"Graduation ko po ngayon"

Napatigil siya saglit sa pag akyat ng hagdan. Lumingon siya sakin at napahawak sa labi niyang pulang pula nakita kong may kalat pang lipstick sa labi niya. Kita ko din ang kalat na mascara sa mga mata niya.

"Ngayon ba yon?"

Tumango ako at pinagpatuloy ang pagluluto ng itlog.

"Su-susunod ako. May problema lang s-sa trabaho"

Tumango ako, alam na ang sagot una pa lang. Hindi nanaman siya pupunta. Ano pa nga bang inaasahan ko? Hindi ba?

"Susunod ako anak. Pangako"

Tumango ako at tumalikod na dahil nagbabadyang tumulo ang mga luha ko. Narinig ko ang mga yabag niya na paakyat sa taas. Agad kong pinalis ang mga luhang nakatakas at bumuntong hininga para pigilan ang sariling umiyak ng tuluyan.

Namimiss ko si Eternity :(

Bumuntong hininga ako para pigilan ang iyak ko pero naiisip ko pa lang na wala na si Eternity, hindi ko na kinakaya kaya umiiyak ako habang nakatukod sa lababo.

Paano na ko ngayon Eternity? Sino ng kakampi ko?

Tumingala ako sa pag aakalang matitigil ang luha ko pero hindi.

Wala ba akong kwenta Eternity? Hindi man lang kita naprotektahan. Ni' hindi ko alam kung bakit ka namatay. Pakiramdam ko talaga may problema ka nitong mga nakaraang buwan pero hindi ako nagtanong kasi baka ayaw mong pag-usapan.

Ang daya mo naman. Tahimik ka na dyan samantalang ako, nandito pa din sa magulong mundo. Kung sumunod kaya ako dyan sayo? Bumuntong hininga ako at umiling sa sariling naiisip.

Ayaw ni Eternity ng ganito. Lalo na ngayon...

Huminga ako ng malalim habang pinupunasan ang mga luha ko. Umupo ako at kumain ng umagahan para maghanda sa graduation day.

Secrets and Promises of Eternityحيث تعيش القصص. اكتشف الآن