2

1 0 0
                                    


GABRIEL CONSTANTINO

tw: death

××

March 13, ××21

Tulala akong nakatingin sa unahan. Hindi iniinda ang pagpasa ng suntok sakin kanina. Ni' hindi ko alam kung paano siya napatigil sa pag-iyak. Ni' hindi ko alam kung paano pa ko naka-upo habang hinihintay yung teacher namin.

Nang pumasok ang teacher namin, pula at basa ang mga mata niya at napabaling sa direksyon ng upuan ni Eternity bago umiwas ng tingin at humarap sa mga estudyante.

"I don't know if nakarating na sa inyo pero para sa iba na hindi pa alam ang nangyari, we lost a beautiful soul today. Eternity Alya Dela Cruz... s-she's d-dead"

Narinig ko ang singhapan at bulong-bulungan ng mga kaklase ko. Ang iba'y gulat, ang iba ay umiiyak at ang iba'y tulala.

"W-what happened Miss? W-what happened to E-Eternity?"

"The family remained silent about her death and we must respect that. For now, offer prayers for her soul and for her family, her parents are in sorrow right now"

Agad kumunot ang noo ko at bumaling sa direksyon ni Maam.

"Parents?"

Tanong ko. Tumingin sakin si Rafael at Celestine habang si Alliyah ay tahimik na umiiyak sa unahang row ng upuan.

"Yes Mr. Constantino. Her parents just went here earlier in the morning to bring the news"

Napa-awang ang bibig ko sa gulat. Magulang? Sabi niya sakin, samin na wala na siyang mga magulang. Bakit biglang may susulpot na magulang niya at ibabalitang patay na siya?

"We will visit her wake if the family let us. But for now, offer prayers for her family and for her soul"

Nakatulala lang ako habang madaming tanong ang kumakain sa utak ko. Akala ko ba wala na siyang mga magulang? Akala ko ba ulila na siya? Bakit siya namatay? Anong nangyari sa kanya? Kagabi lang tinatawagan niya pa ko e. Nag usap pa kami kagabi tapos biglang suntok at balitang wala na siya ang sasalubong sa umaga ko? Anong nangyari?

*

March 12, ××21

10:36 pm

*bzzttttt* *bzzttttt* *bzztttttt*

--- Baby is Calling ---

Agad akong napangiti ng makita ang pangalan niya sa screen. Tinigil ko ang pag lalaro ko at sinagot ang tawag niya.

"Baby"

Bungad kong sagot sa kanya habang hindi nawawala ang ngiti ko. Natagalan pa bago siya sumagot sa tawag ko sa kanya.

[Hi baby. Kumain ka na ba?]

Masiglang bati niya.

"Oo naman. Ikaw? Kumain ka na ba?"

[Yes. Naisip mo na ba ang kukunin mong course sa college?]

Secrets and Promises of EternityWhere stories live. Discover now