1

1 0 0
                                    


GABRIEL CONSTANTINO

××

June 13, ××20

"Gab! Pare!"

Binalingan ko ng tingin si Rafael na isinabit ang braso nito sa leeg ko. Ngumiti siya sakin na mapang asar at tinulak siya para lumayo sakin. Tumawa tawa pa siya bago inalis ang braso at lunapit kay Alliyah.

Kitang-kita ko kung paano mamula ang pisngi ni Alliyah ng makitang papunta sa direksyon niya si Rafael halos matawa ako sa loob loob ko. Tingnan mo nga naman, isang manhid at isang duwag.

"Hey! Oh my gosh! Yoy wouldn't believe what I just bought!"

Masiglang sabi ni Celestine bago umupo sa harapan ko. Napabaling ng tingin si Rafael at Alliyah sa direksyon namin at agad lumapit. Tumabi si Alliyah kay Celestine habang isa isang nilalapag ni Celestine sa lamesa ang mga binili niya.

"Here! Souvenir galing Taiwan!"

Masayang sabi niya habang isa-isang binibigay samin yung binili niya para samin.  Kakauwi niya lang kasi galing sa Taiwan saktong kakasimula pa lang ng school year.

"Hey, where is Eternity?"

Lumingon-lingon pa siya habang sinusuyod ang paligid kung nasan si Eternity. Lumipat ang tingin niya sakin at tinaasan ako ng kilay.

"Where's Eternity Gab?"

"Hindi pa dumadating"

Sambit ko. Tumango naman siya at bumalik sa ginagawa.

"Nakakain ba to?"

Tanong ni Rafael habang inaalog ang box na nakuha niya. Umirap naman si Celestine at hinampas sa braso si Rafael.

"Dumbass, it's perfume! Don't alog that!"

Tumawa si Rafael at mapang asar na ginaya si Celestine.

"Don't alog that! Conyo talaga pag anak mayaman"

Hinampas siya ulit ni Celestine habang walang tigil sa pang aasar si Rafael.

"Ayan na si Eternity"

Bulong ni Alliyah sa tabi ko. Napalingon ako sa direksyon ni Eternity. Agad siyang ngumiti ng mag tama ang mata namin at kumaway. Tumatakbo siyang lumapit sa direksyon namin habang nakangiti.

"Eternity!"

Sigaw ni Celestine habang sinalubong ito ng yakap. Tumawa naman si Eternity at hinaplos ang buhok ni Celestine na nakayakap dito.

"Rafael is so annoying! He's making asar me! I bought gift pa naman sa kanya. He's so epal"

Pagsusumbong ni Celestine kay Eternity. Tumawa siya at hinampas si Rafael.

"Tama na Raf. Ang aga aga mo nanamang asarin tong si Celestine!"

Sambit niya habang hindi nawawala ang ngiti sa mga labi.

Tumawa si Rafael at tumabi kay Alliyah at tinitingnan ang librong binabasa nito.

"Dito na nga lang ako kay Alliyah! Magbabasa kami. Diba Alliyah?"

Hindi siya pinansin ni Alliyah at patuloy lang sa pagbabasa. Tumawa si Celestine at dumila pa kay Rafael dahil hindi siya pinansin nito.

"Sabi ko sa inyo e, magbabasa kami e."

Secrets and Promises of EternityWhere stories live. Discover now