6

1 0 0
                                    


CAEL FUENTES

×××

March 14, ××21
8:48 am

"Good luck satin sa college and Congrats sating lahat. Batch ××20-××21, continue dreaming. Congratulations"

Nakita kong umiiyak na yumakap si Alliyah sa Nanay niya. Napangiti ako ng mapait at ibinaba ang tingin sa mga sapatos ko.

Kumalma ka Cael. Huling galit mo, nasuntok mo yung taong mahal ng bestfriend mo.

Huminga ako ng malalim at itinaas ang tingin para mag focus sa programa. Patapos na din naman kaya konting tiis na lang.

"Congratulations and Good luck Batch ××20-××21"

Bumalot ng malakas na palakpakan at sigawan galing sa mga estudyante sa loob ng Auditorium. Lumipat agad ang tingin ko sa mga kaibigan ni Eternity. Halos matawa ako sa iniisip. Kaibigan???

Nakita kong tulala si Gabriel habang niyayakap ng nanay niya. Si Celestine naman ay umiiyak habang yakap yakap ng tatay niya sa mga bisig. Si Rafael na pinagkakaguluhan para sa pagpapa-picture at si Alliyah na nakayakap kay Ma'am Ligaya.

"Cael, hayaan mo na sila. Hindi nila kasalanan. Hindi mo kasalanan."

Napalingon ako kay Sister Geneva, ang nag alaga sakin at ang Tita ni Eternity.

Ngumiti siya sakin ng may halong mga lungkot ang mata. Binigay niya sakin ang dalawang paper bag.

"Congratulations Cael. Alam kong masaya si Eternity para sayo"

Tiningnan ko ng mabuti ang paper bag bago kinuha yon kay Sister. Agad akong bumuntong hininga ng makita kung kanino galing ang mga iyon.

From: Sister Geneva

From: Eternity

Huminga ako ng malalim habang pinipigilan ang mga luha ko. Agad akong niyakap ni Sister habang paulit-ulit na tinatahan pero walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Hindi ba ko mapapagod kakaiyak? Bakit naman kasi ganito Eternity? Tangina naman e.

"Magiging maayos din ang lahat anak. Patawarin mo na ang sarili mo. Hindi mo kasalanan"

Walang tigil sa pagpatak ang mga luha ko. Pinipigilan ko ang hagulhol ko dahil ayokong mapansin nila o nino man.

"Shh tahan na anak. Magagalit si Eternity nyan"

Tumango ako at bumitaw sa mga yakap niya. Pinunasan ko ang mga luha ko gamit ang mga braso na parang isang batang umiiyak.

"Masaya na po kaya si Eternity sister?"

Malungkot siyang ngumiti sakin at tumango habang hinahaplos ang buhok ko.

"Sister Geneva?"

Napalingon kami kay Gabriel na tumawag kay Sister. Kita ko kung paano nagpalipat lipat ang mga tingin ni Gabriel sakin at kay Sister at sa paper bag na hawak-hawak ko.

Lumapit siya samin at nag bless kay Sister. Humigpit ang hawak ko sa paper bag at umiwas ng tingin, pinipigilan ang sariling sumabog.

"Congratulations Gabriel, anak."

"P-pwede ko po ba kayong m-maka-usap?"

Napalingon ako kay Sister na wala na ngayon ang ngiti sa mga labi. Lumingon siya sakin at ngumiti.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 05, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Secrets and Promises of EternityWhere stories live. Discover now