SIMULA

1 0 0
                                    


tw: death

GABRIEL CONSTANTINO

××

March 13, ××21
6:03 am

Bumangon ako sa kama nang makita ang oras. Isang oras lang yata akong natulog kaya halos mahilo ako ng bumangon.

Bumuntong hininga ako habang pinagmamasdan ang repleksyon ko sa salamin, pinagninilayan lahat ng pagkakamali na nagawa ko bago ko pilitin ang sariling maghanda para sa bagong araw.

Bukas na ang pinakahihintay naming lahat, ang gumraduate ng Senior High School at hanggang ngayon hindi ko pa din alam ang kukunin kong course sa college kahit malapit na mag simula ang mag e-entrance exam sa mga University.

Nang makarating ako sa school, hindi ako nakatakas sa tingin ng mga tao. Ipinagsawalang bahala ko ito at inayos ang hood ng jacket ko at mahigpit na hinawakan ang isang strap ng bag na nakasabit sa kanang bahagi ng balikat ko.

Hindi nawala ang mga tingin nila kahit nakarating na ko sa classroom pero walang ni isang sumubok na lumapit. Bumuntong hininga ako at inilapag ang bag sa lamesa.

Hindi pa ko nakaka-upo, agad akong napaatras dahil sa di inaasahang suntok mula sa lalaking ngayon ko lang nakita.

"IKAW! IKAW ANG MAY KASALANAN NITO!"

Napahawak ako sa gilid ng labi ko dahil sa suntok niya. Gulat akong napabaling sa direksyon niya, hindi alam kung bakit ako nakatanggap ng suntok.

"IKAW!"

Dinuduro-duro niya pa ako habang pinipigilan siya ni Rafael.

"What's happening here? Gabriel? Oh my gosh! Are you okay?"

Tumango ako kay Celestine na kakarating lang at binalik ang tingin sa lalaking sumuntok sakin.

Kita kong nag pupumiglas siya sa hawak ni Rafael at maging siya ay tinulak nito palayo habang tinuturo ito.

Narinig ko ang sarkastikong tawa niya habang isa-isa kaming tinatapunan ng tingin. Ako, si Rafael, si Celestine at si Alliyah na malayo sa amin pero sigurado akong siya ang tinitingnan.

"KAYO! KAYO ANG PUMATAY KAY ETERNITY!"

Parang binuhusan ako ng malamig na tubig at natulala dahil sa sinabi niya. Tila hindi maproseso ng utak ko yung sinabi niya at parang hindi makapaniwala sa narinig.

"Wha... What did you s-say?"

Tumingin ako kay Celestine at kita ko kung paano tumulo ang mga luha niya. Nahagip ko din ang pagkatulala ni Rafael at Alliyah sa narinig. Hindi ako makapaniwala. Kagabi lang. Kagabi, tumawag siya sakin. Tumatawag siya sakin. Paano... Paanong ganito?

"WHAT DID YOU SAY?!"

Buong lakas na sigaw ni Celestine sa lalaking sumuntok sakin. Kita ko ang panghihina ng tuhod niya at napaluhod dahil sa kakaiyak.

"W-wala na si Eternity... Wa-wala na s-siya... Kayo... Kayong lahat!... Kayong lahat a-ang may gawa nito!... Kayo..."

Patuloy niyang sinasabi sa gitna ng bawat iyak at hikbi niya. Kinwelyuhan siya ni Rafael na parang nagising sa bangungot.

"Anong sinasabi mo?! Tarantado ka ah!"

Patuloy lang ang lalaki sa pag iyak habang mahigpit ang hawak ni Rafael sa kwelyo nito.

"P-pinatay niyo s-siya!... Kayo ang m-may gawa nito... Kayo. Wala na s-si Eternity. W-wala na s-siya..."

Habang tumatagal ang tingin ko sa lalaking patuloy sa pag-iyak sa harapan ko, hindi ko namalayang walang tigil sa pag buhos ang mga luha ko. At doon, doon ko napagtanto na nang mawala siya, nawala na rin ako. kami.

××

hi. hello. Gusto ko lang malaman niyo na yung name sa taas na naka bold, yun yung may point of view. Salamat puuuuuu. Enjoy readingggg ahhhhh yellow hearts mwa

Secrets and Promises of EternityWhere stories live. Discover now