4

1 0 0
                                    


RAFAEL ZALDIVAR JR.

××

March 14, ××21

6:30 am

"Anak, nakikinig ka ba?"

Napatingin ako kay Mama ng magsalita siya. Agad naman niyang piningot ang tainga ko.

"Ma!"

"Ang sabi ko kung andyan na ba yung toga mo? Kanina pa kita kinakausap dyan. Baka ma-late pa tayo sa graduation mo. Kanina ka pa tulala dyan. Hindi ka ba excited?"

Tumawa siya. Ngumiti ako sa kanya para hindi mahalatang may pinagdadaanan ako. Masyado ng madaming nangyari kay Mama nitong mga nagdaang buwan kaya ayoko ng dumagdag pa.

"Excited syempre Ma. Ga-graduate na yung pogi mong anak. Ilang taon na lang may Engineer ka na"

Tumawa siya at pabiro akong hinampas sa braso.

"Puro ka talaga kalokohan. Ikaw lang naman ang anak ko kaya ikaw lang talaga ang pogi. Bilisan mo na dyan baka malate pa tayo, hindi pa matuloy pag i-engineer mo"

Tumango ako habang lumabas siya sa kusina para pumunta sa kung saan. Nakatitig ako sa tinapay na may peanut butter at saging na palaman. Napangiti ako ng mapait. paborito to' ni Eternity.

*

October 4, ××19

*Tok-tok*

Napabaling ako sa pinto ng marinig ang katok. Agad akong dumiretso doon at pinapasok sila Eternity, Alliyah, Gab at Celestine. Sabado ngayon at nandito sila para gawin namin yung project namin para sa isang subject.

"Hi Rafael, Good morning!"

Bati ni Eternity at ginulo pa ang buhok ko. Natawa naman ako sa kanya. Ayokong ginugulo yung buhok ko pero pag siya at sila Alliyah o Celestine, okay lang.

"Rafael, do you have something to eat ba? Alliyah's call time is so early, I haven't ate my breakfast pa"

Umirap ako dahil sa ka-conyohan niya. Buti na lang talaga crush ko to at cute kung hindi, hindi ko na to pinansin.

"Arte mo. Sige paghahanda ko kayo nakakahiya naman sayo anak mayaman walang pangkain"

Kita ko kung paano pumula ang pisngi niya sa inis pero hindi na nagsalita at humalukipkip na lang. Natawa ako. Sarap talaga asarin nito ni crush. 

"Tutulong ako Raf. Okay lang?"

Sambit ni Eternity. Tumango naman ako. Sinong hi-hindi sa tulong? Umagang kay tamad ko.

Secrets and Promises of EternityWhere stories live. Discover now