Ang pagtakas at pagpunta sa Heaven Land ang tanging solusyon na naisip ni Glare upang makaiwas sa engagement niya sa apprentice ng kanyang ama. Lingid sa kanyang kaalaman ay iyon pala ang magdadala sa tunay na tinitibok ng kanyang puso. ******************* Dahil napagalitan ng kanyang ama, nagplanong umalis si Glare at pumunta sa Heaven Land upang magtago sa Rancho Villasis-ang rancho ng kanyang Lolo. Halos walong taon na siyang hindi nakabalik doon kaya sa kasamaang-palad, naligaw siya. Napunta siya sa kabilang rancho-ang Rancho Soler na pinamamahalaan ni Poseidon Soler. Nag-disguise siya bilang aplikante at natanggap bilang kasambahay sa Hacienda Soler. Physically, malakas ang atraksiyon niya kay Poseidon ngunit hindi kasama sa plano niya ang mahulog sa guwapong amo... Started: February 2021 Ended: December 2021