42 parts Ongoing MatureHindi madaling mabuhay sa Maynila lalo na kung ikaw ang sandalan ng pamilya mo sa probinsya. Para kay Kristiana Lourdes, araw-araw ay laban - sa mababang sweldo, mataas na upa, at sa mga pamilyang umaasa sa bawat padala niya buwan-buwan. Pagod na siya, pero hindi siya pwedeng tumigil.
Hanggang isang araw, dumating si Eriksson Pierre, lasing na lasing, amoy heartbreak at alak. Ang sabi-sabi, iniwan daw siya ng girlfriend niya. Pero imbes na umuwi, nagdesisyon siyang lasingin ang sarili, sa bar kung saan bagong bartender si Tiana. Tuloy-tuloy sa pag-order ng shots, kahit halata nang hindi na niya kayang tumayo ng diretso.
"Isa pa," aniya, habang nakapikit na ang isang mata, medyo ngiting-aso pa.
Pero si Tiana, hindi basta-basta nagpapainom. "Kuya, tama na. Lasing ka na, walang bubuhat sa'yo."
Nagkatinginan sila, isang babaeng sawa sa responsibilidad, at isang lalaking nalulunod sa sarili niyang gulo.
Hindi nila alam na ang simpleng sagupaan sa bar na 'yon, ay magiging simula ng isang kwento ng dalawang komplikadong puso.