XXVIII - Surpresa ni Inday

26.7K 624 8
                                    


NAGPAHANDA ng munting salu-salo si Beverly sa kanilang tahahan. Ito ay handog pasasalamat muli nila sa kabutihan ng Diyos, lalo na sa pagkakaroon ni Alice ng kambal na babae. At sa kabila nang matinding trahedyang dumating sa kanila ay nanatili pa ring buo at matatag ang kanilang pamilya dahil na rin sa kanilang matibay na pananampalataya sa Diyos.

Pinagkakaguluhan naman ng tatlong magkakapatid ang kasisilang na mag-kambal, kamukhang-kamukha kasi ng mga ito ang yumao nilang ama. 

"Kuya Alvin pakarga naman niyang si Mona," sabi ng bunsong lalaking si RJ.

"Mamaya na kakakarga ko lang nito. Si Lisa na lang," sagot naman ni Alvin.

"Ayoko nga," sabi ni Sam. Nilayo pa nito kay RJ ang karga-kargang bata. 

"Hoy kayo, huwag niyo nga silang pinagkakaguluhan. Ibaba na ninyo yan at baka malamog pa ang dalawa," saway ni Beverly. "Naghugas ba kayo ng mga kamay? Mam'ya niyan may dala pa kayong germs, mahawaan pa 'yang mga kambal ko!" 

"Yan! Buti nga sa inyo," sabi naman ni RJ.

Narinig ito ni Nacion na kabababa lang sa kanilang hagdanan. "Ano ka ba Baby, hayaan mo ang mga yan, natutuwa lang yan sa mga kapatid nila." 

Lumapit si Alice sa mga anak nito. "Sundin niyo na si Tita Baby niyo, para walang gulo. Hindi yan titigil sa kasasaway sa inyo." 

"Sana, bago kayo hahawak sa mga kambal ko, maghuhugas kayo ng kamay o kaya mag-alcohol kayo para sigurado."

"Ate Baby, h'wag ka nga diyang mapraning sa mga pamangkin mo. Walang namang nakakahawang sakit ang mga yan!" sabi ni Alice. "Sige na Alvin, Sam, ilagay niyo na muna yang kambal niya sa kanilang kuna." Napangiti pa ito sa kaniyang sinabi.

Habang nilalapag ng dalawa sa kuna ang kambal ay bumubulong-bulong si Sam. Pinagtatawanan naman sila ni RJ.

"Oo nga po, Ma, napapraning na naman si Tita. Kahapon pa kami ayaw pahawakin sa kambal niya!" sumbong ni Sam sa ina.

"Basta h'wag niyong hahawakan ang kambal ko pagmaduduming kamay niyo." Tinaasan pa niya ng kilay si Sam. Lumapit siya sa mga kuna at nilaru-laro ang dalawa. 

Lumapit naman si Inday kay Beverly. "Manay Baby, may sasabihin po akong importante sa imo mamaya."

"Bakit mamaya pa, ngayon na. Babale ka?  Nakakahalata na ako sa iyo. May pinagkakagastusan ka siguro?" biro niya. 

Napangiti si Inday. "Dae man po, Manay!" sagot ni Inday.

"Wala raw?" bulong ni Beverly. "Igwa gayud? Umamin ka?" Natawa na lang si Inday. "Nakahanda na ba yong pagkain na inorder ko?" Tumango si Inday. "Sige na, magkaraon na ngona kita, ta magutom na baga."


PAGKATAPOS nilang kumain, tinanong ni Beverly kung anong sasabihin sa kaniya ni Inday. Sa pakiwari niya ay napakahalaga nito.

"Kasi po Manay," nahihiyang bungad ni Inday. "Mag-aasawa na po ako."

Napatigil silang lahat. 

"Binigla mo naman kami Inday," sabi ni Beverly. "Sino bang fiance mo? Masyado ka naman palang malihim." 

Dahil sa sobra nilang kaabalahan at sa maraming nangyari sa kanila ay wala silang kamalay-malay sa nangyayari sa kanilang kasambahay

"Si Bitoy po Manay, yong kumpare ni Kuya Mon." Ito rin ang isa sa mga nagmamaneho ng taxi nila Alice.

"Kayo palang dalawa? Eh di ba may asawa at maraming anak yon?" tanong ni Alice. "Ang pag-ibig nga naman." Napailing na lang ito.

Umiling si Inday. "Di man po sila kasal, Manay Alice. Hiwalay na siya doon."

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon