XXIV - Family Crisis

30.8K 652 24
                                    

Beverly's POV

PAGKABALIK ko kay Alice ay hindi pa rin siya nakapagbihis. Lihim namin siyang ipapa-ultrasound dahil ayaw ni Mon. Authoritarian ba? Hindi naman, mabait lang din si Alice when it comes to my request. Ate naman niya ako. Gusto ko lang talagang maranasang makakita ng isang bata na nasa sinapupunan at marinig ang tibok ng puso nito. Siyempre, pamangkin ko ito kaya excited ako.

Dahil hindi pa tapos si buntis, sinabihan ko ito na babalikan ko na lang. Medyo sumama raw ang kaniyang pakiramdam kaya siguro parang tinatamad pa siya. Hindi ko naman puwedeng madaliin, buntis e!

Papalabas na ako ng pinto nang may isang patrol car ang pumarada sa tapat ng gate nila. Kumakatok palang sa gate ang dalawang pulis ay kinabahan na ako. Noon lang kasi ako naka-engkuwentro ng pulis, bagamat pulis din ang aking yumaong ama. Pinagbuksan ko sila ng gate.

"Magandang hapon po, Misis. Saan po ba nakatira si Mr. Ramon Fernandez?" tanong nang mas batang pulis. In fairness, guwapo ito.

"Dito po. Bakit po? Anong kailangan niyo sa kaniya?" tanong ko. Kahit kabado ay nginitian ko pa rin sila.

Napaisip ako, ano kaya ang ginawa ni Mon? Baka nasama na ito sa Tokhang? Ang kaba ko ay lalong bumilis. Diyos ko po, huwag naman po sana!

Nagpakilala muna sa akin ang mas matandang pulis. Mukhang matapang, pero mabait naman pala. Nagpatuloy ito. "Misis, pasensiya na po kayo sa abala. Nagkaroon po kasi ng karambola sa may EDSA. Sa kasawiang palad, nakasama po 'yong taxi'ng pinagmamaneho ni Ramon. Sinugod po namin siya sa ospital, ngunit di na po siya umabot. Dinala na po namin ang katawan niya sa morge. Nakikiramay po kami sa inyo. Asawa mo po ba siya?"

Hindi ako nakapagsalita kaagad sa pagkabigla. Mas masama pa pala ito sa aking inakala.

"Ka-kapatid ko ang a-asawa niya," pautal-utal kong sagot. Nanlambot na rin ang aking mga tuhod kaya napakapit ako nang mahigpit sa gate.

"Nandiyan po ba siya? Paki-parating na lang po sa kaniya. Nakikiramay po ulit kami." Tumango na lang ako sa mga tanong nila, at umalis na ang dalawang pulis.

Mabibigat ang mga paa ko nang ihakbang ko ang mga ito. Paano ko ito sasabihin kay Alice? Kilala ko yon.

Pagpasok ko sa loob, naabutan kong nakatulala na si Alice. Narinig na niya pala ang masamang balita.

"Alice, magpakatatag ka," sabi ko ng malumanay habang papalapit ako.

"Hindi ito tutuo. Hindi...Hindi 'yon si Ramon. Ma-mamaya uuwi siya. Ma-maaga nga siyang uuwi, e." Nanginginig ang boses niya, at gumagalaw-galaw siya nang wala sa sarili.

Tumigil siya at nanginig naman ang kaniyang katawan. "Di ba Ate, narinig mo yong sinabi niya na uuwi siya nang maaga? Ang sweet-sweet pa nga namin kanina lang!" Hindi ako makaimik, pinagmamasdan ko lamang siya. "Ate naman? Sumagot ka naman diyan, di ba?" Kinabig ko na ito at tuluyan na itong humagulhol sa dibdib ko. Awang-awa ako sa kaniya. "Hindi iyon si Ramon! Hindi siya 'yon!" sigaw nito.

Yinakap ko siya nang mahigpit. "Sige Alice, umiyak ka lang. Nandito kami ni Mommy. Di ka namin pababayan."

Habang yakap-yakap ko siya, patuloy siya sa paghagulhol. Tinatawag nito ang pangalan ng kaniyang asawa at sinasabi niyang mahal na mahal niya ito. Naramdaman ko na lang din ang pagtulo ng aking mga luha. Ramdam na ramdam ko ang labis na hinagpis at pangungulila ng aking kapatid. Nalulungkot ako dahil maaga din siyang na balo, tulad ni Mommy.

Bakit kaya hindi na lang ang mga walang kuwentang asawa at ama ang kinukuha ng Diyos? First, ang tatay namin. Second, si Ramon. Why God? Why?

IMBES na sa OB clinic kami papunta, sa morge na kami dumiretso kasama ni Mommy. Nang makuha na namin ang katawan ni Ramon, diniretso na namin ito sa funeraria. Ulilang lubos si Ramon at ang mga kapatid nito ay nasa Cebu. Si Ramon lang ang tanging nakakaangat sa kanila kaya hindi raw sila makakarating sa burol dahil sa kakulangan.

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyWhere stories live. Discover now