Trivia #1

16.8K 295 46
                                    

TITLE

Ang original title nito ay, Baby, Don't Marry Me.  Hango sa isang kanta sa isang stage musical na Flower Drum Song na naging pelikula rin. Ewan lang kung nasa YouTube pa yong movie. It's a classic movie.  Mahilig kasi ako sa mga musical. Doon ko rin nakuha yong nickname na Baby.

NAMES

Yong name naman na Beverly ay sa kisame ko nakita. Joke lang. Nag-rhmye lang siya sa Baby.

Yong apelyidong Llamado ay galing sa apelyido ng dati kong pasyente. A challenging patient, but very memorable to me.Nagandahan din ako sa apelyido nila.  May she rest in peace.

Yong Barranda naman ay galing sa isa kong college instructor. Sosyal kasi ang dating, bagay kay Sophie.

Yong Marcos-Aquino pinagsama
ko kasi gusto ko lang, trip lang ba. Di naman siguro bawal. Charing! Bakit? Gusto ko sanang magkabati-bati na sila para maging masaya na ang buong Pilipinas. Sana nga.

Halos lahat ng mga pangalan ay galing din sa kisame. Walang research-research. Yong Encarnacion ay dapat noon ay Salvacion. Pinalitan ko, kasi yong Salvacion maiden name ng nanay ko. Hindi ko naman po akalain na Encarnacion din pala ang middle name ni Ate Reg. Sonadya ko o hindi? Dili man! Hindi talaga. Kahit yong Kakay. Kilala niyo na yon.

ILLNESSESDapat sana kay Aling Nacion, brain aneurism, kaso deadly, kaya MI na lang. Deadly din yan kaso nadedetect pag maaga. Yong kay Tita Kaye, Stroke. Kaso demoralizing sa character at saka matagal ang recovery. Kaya OA na lang.

SONGS/YOUTUBE VIDEOS

Ang mga kanta ay kadalasan pinaghuhugutan ng mga kuwento. Puno kasi ito ng mga emosyon. Noong hindi pa ako nagsusulat, hindi ako mahilig kina Jason Mraz at Adele, pero nang marinig ko ang mga songs nila while searching for appropriate videos for my story, I begun to like them. Ang mga lyrics ng kanta nila ay nag-sakto sa ibang chapters ng story dito.  Baka sabihin ng iba na ginawa ko ang chapter according to the songs. Ang tutuo niyan ay story muna bago songs.

Favorite songs ko dito ay yong kanta nila Jason Mraz at Adele. In fact, ginamit ko rin yong ibang songs ni Adele sa story ni Sophie.Alam naman natin ang mga songs ni Adele ay para sa mga broken hearted.

Gaano katagal ko 'tong ginawa? Wala pang isang buwan.

Anong gamit ko? Sa Wattpad app ng Android Phone kong Lenovo

Saan ko to sinulat? Sa kuwarto ko, nakahiga.

Nagenjoy ba ako? Oo naman po. Ang saya ko po nang sinulat ko to. Yong nanay ko , hindi makapaniwala.

May plano ba akong i-publish to. Of course, And that is my biggest dream. Siguro, kahit self-publish basta maging libro siya.

Kailan? Wala pang date. Kapag maramina akong reads.

May book 2 ba? Hopefully, meron. Nasa isip ko pa lang.

Magkakaanak ba sila ni Stephen? Hindi na po imposibleng magkaanak sila. Kung paano, yon po ang aabangan niyo.

Babalik ba si Sophie? Most likely.

O, ako naman ang magtatanong. Excited ba naman kayo sa book 2?

Susuportahan niyo ba ang story na to once maging book na to at ibinenta na?

Gusto niyo bang madedicate ang isang chapter dito?

Comment na lang. Puwede ring mag-vote.

May suggestions kayo? Huwag pong mahiya.

Thank you ulit sa pagbasa ng update na 'to. Gusto ko lang magparamdam sa mga dati kong readers. Kaway-kaway naman kayo lalo na sa team Beverly. Kung may team Sophie, kaway din kayo. Welcome rin po ang mga baguhan kong readers. Salamat din sa mga nagfa-follow sa akin, lalo na sa mga friendly readers ko.

Hanggang sa muli. Aasahan ko ang inyong mga suporta. Maraming salamat ulit. Dios mabalos sa saindo gabos.

Ella "BalatSibuyas" Maristela

Ang Huling Biyahe ni Ms. BeverlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon