Beverly's POV
PAGKAALIS ni Philippe, saka naman dumating sila Mommy galing sa grocery. Nag-shopping na rin pala sila para sa mga kagamitan ng magiging baby ni Alice. Ilang linggo na lang at manganganak na kasi ito. Batid ko na kahit na nga nagluluksa pa rin ay pinipilit niyang maging masaya para sa kaniyang pinagbubuntis. Minsan nga, nakita ko itong nakatayo sa tabi ng kanilang pintuan, nakatulala at parang naghihintay sa muling pagbabalik ng kaniyang palanggang si Ramon.
It breaks my heart to see her that way. Kung kailan naman naging masaya na ako dahill natagpuan ko na ang aking bagong inspirasyon, siya naman ang nawalan. Iniisip ko nga kung mag-aasawa pa kaya ito o mananatili na lang balo, tulad ni Mommy. Sana, mabigyan ulit siya ng Diyos ng isa pang pagkakataong magmahal tulad nang naranasan niya kay Ramon. Malungkot kaya ang buhay nang nag-iisa lalo na sa mga taong nasanay nang may minamahal na kasakasama.
Aliw na aliw naman ako habang ipinapakita niya sa akin ang mga pinamili niyang gamit. Hindi namin itinuloy ang pagpapa-ultrasound noon kaya hindi niya tuloy malaman kung para sa babae o sa lalaki ang bibilhin niyang mga kagamitan. Kaya para daw safe ay kulay dilaw ang mga pinamili niya, which happens to be Stephen's favorite color. Lihim pa nga akong napangiti. Sabi pa nga niya, kapag ipinagkaloob daw sa kaniya ng Diyos ang kanilang kahilingang mag-asawa na maging babae ang kanilang anak, tuluyan na raw siyang magiging masaya.
"Ang daya mo naman Ate, sabi mo sasamahan mo ako sa pamimili ng gamit ng baby ko. Anyare at hindi mo kami sinamahan?" tanong niya na may pagtatampo.
"Sorry na, napagod kasi ako sa paglilinis. Sa susunod, promise, sasamahan na kita."
"Akala ko pa naman excited ka?"
"Kasi naman, akala ko darating si Ste---"
"Si Stephen?" singit nito. "E, sino ba yong nakasalubong namin?"
Lagot na! Bakit ba kasi ako nadulas? Mausisa pa naman itong kapatid ko.
"Si Philippe yon." Napatigil ako. Kailangan kong makapag-isip ng magandang palusot. Feeling ko tuloy para akong si Ramon na ini-interrogate niya. "Si Stella yong hinihintay ko. Dati ko siyang classmate sa college na sinasama ko dito, remember?" Whew!
Actually, wala akong kakilalang Stella. Pinagpawisan tuloy ako.
"Ay si Stella," aniya. Napatango ako. "Sinong Stella? Ate naman, wala ka namang dinala ditong Stella."
"Kailan ka ulit magsha-shopping? Sasamahan na kita," sabi ko habang tinutupi ko na ang mga binulatlat naming mga damit.
"Ate naman, iniiba mong usapan." Here she comes. "Si Stephen siguro yong hinihintay mo, 'no? Bakit mo ba siya hinihintay?" Napatitig pa ito sa akin. Umiwas ako ng tingin dahil mukhang nahahalata na niya ako. "Ate, don't tell me na may sinisikreto ka sa amin? Magsabi ka nga ng tutuo, may relasyon na ba kayo ni Stephen?"
Nagsenyas ako na huwag maingay dahil baka marinig kami ni Mommy. Nasa kusina kasi sila ni Inday at inaayos ang kanilang mga pinamili sa grocery.
"Kasi..." Gusto ko man sanang pigilan ang aking sarili, pero buking na ako ni Alice. Siguro, kailangan na rin niyang malaman. Ang hirap kasing itago sa kanila kung gaano ako kasaya. Kung alam lang nila na gustung-gusto ko na itong ibuyangyang.
"Kasi ano, Ate?"
Huminga muna ako nang malalim. "Nagtapat na siya sa akin, mahal niya raw ako. Sinabi ko rin sa kaniya na mahal ko rin siya. Yon lang. Sabi niya, papasyal daw siya ngayon, pero hindi naman siya sumipot."
"Ayun! So, ang ibig sabihin nito, kayo na?" Agad kong tinakpan ang bibig nito na tinanggal din naman niya. "Sigurado ka ba diyan sa pinasok mo, Ate? Di ba sabi mo hindi sigurado yang si Stephen sa mga gusto niya sa buhay? Ang akala pa naman namin, makikipagbalikan ka na kay Kuya Philippe para makaiwas ka kay Stephen."
BINABASA MO ANG
Ang Huling Biyahe ni Ms. Beverly
RomanceSimple lang naman sana ang pangarap ni Beverly Llamado at iyon ay magkaroon ng isang masayang pamilya kasama ang lalaking kaniyang mapapangasawa. Sa kasamaang palad, siya ay nabigo. Ito ang nagtulak sa kaniyang magtrabaho sa Amerika bilang isang reg...