Episode 62: Raf on Cell

1K 118 28
                                    

Episode 62: Raf on Cell

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 62: Raf on Cell

🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂

"Gregorio! Nasaan ka?! Gregorio, umuwi ka na!"

"Luh, nand'yan na naman 'yong sira-ulo..."

"Gregorio, nasaan ka ba?!"

"Nakahubad pa talaga. Feeling bold star naman 'to..."

"Gregorio, umuwi ka naman sa amin ng anak mo!"

"Flynn, 'yong nanay mo, nagwawala na naman!"

"Aling Bebang, pwedeng pakibilisan po?" pakisuyo ng lalaki sa tinderang nagkukwenta ng lahat ng binili niyang ulam sa simpleng calculator nito.

"Kwarenta pesos lahat, hijo," anito sabay abot ng plastik na naglalaman ng mga pinamili niyang de latang sardinas, dalawang itlog at bawang at sibuyas para sa magiging hapunan sana nila.

"Hijo, iyong nanay mo nga itali mo sa bahay niyo para hindi kung saan-saan nagwawala kapag inaatake na naman ng sakit sa utak niya," tagubilin ng matandang tindera.

"Si Aling Bebang talaga, oh. Hindi naman po hayop si Aling Rafaela para itali. Mentally challenged po sila kaya kailangan nang malalim na pag-unawa sa kondisyon nila at pasensya," paliwanag ng dalagang tumawag kay Flynn kanina.

"Ay, sus! Pareho lang iyon! Kung hindi ba naman kasi nangabit 'yong magaling mong tatay sa Dubai, aba'y matino pa 'yang nanay mo!" baling ulit ni Aling Bebang kay Flynn na siyang napahigpit naman sa pagkapit ng plastik niyang dala.

"Mauna na po ako."

Hinabol ni Flynn ang inang si Rafaela bago pa ito mapunta sa crossing kung saan may dumadaang mga sasakyan na kaya delikado.

"Nay, uwi na po tayo."

"Flynn, anak? Nakauwi na ba ang tatay mo?"

Flynn silently and subtly gritted his teeth. Tama naman kasi si Aling Bebang. Kung hindi pa nangabit iyong tatay niyang OFW ay hindi made-depress ang nanay niya at mauuwi sa ganito. Ang masakit pa roon ay matagal na rin palang alam ng lolo at lola niya kaso ay hindi sinabi sa kanila na animo ay kinukunsinti pa ang maling gawain ng ama. Flynn had seen all his mother's hardships and heartaches, so he really knows among all people where she was coming from. He stayed beside her until he found a stable job as a fast food chain manager. Kaso nga lang ay lahat ng ipon niya ay napupunta sa pagpapagamot ng nanay niya kaya medyo hirap pa rin sila sa buhay.

Ayos na sana lahat, e. Kaya naman niyang magbanat ng buto para buhayin ang nanay niya kaso nga lang masyadong mapanghusga ang lipunan sa mga taong katulad ni Rafaela. Malimit ang pag-unawa at gahibla ang pasensya sa mga hindi normal na ginagawa nito sa tuwing inaatake ito.

"Nandito na naman si baliw!" sigawan ng mga bata at binatilyong nakatambay doon.

"Buang!" sigaw ng isang bata sabay bato kay Rafaela na mabilis namang sinangga ni Flynn kaya siya ang natamaan sa noo.

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon