Episode 58: Emperor's No Clothes

1.4K 116 24
                                    

Episode 58: Emperor's No Clothes

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 58: Emperor's No Clothes

🄱🄴🄰🅂🅃 🄲🄷🄰🅁🄼🄸🄽🄶🅂

"Bwisit na research 'to! Di sana naging individual na lang 'to 'di ba kung ako lang din naman ang gagawa lahat!" bulyaw ni Anika sa mga kagrupo sabay hampas ng folder na naglalaman ng Chapter 4 ng research nila sa lamesa.

"Anika, nakita mo ba 'yong draft na binigay ko?" tanong naman ni Empe sa kanya.

Napabaling si Anika sa kagrupong lalaki. Matalas ang mga tingin niya rito.

"Isa ka pa! Anong gagawin ko sa handwritten mong ambag? Ita-type ulit? Jusko, Empe, bagong taon na makaluma ka parin!"

"Pasensya na, An. Wala kasi akong laptop, e. Iyong cellphone ko pa de keypad. Hindi ko mapasahan ng files," malungkot na sagot ng binata.

"Pang-ilang rason mo na 'yan! Naririndi na ako. Lagi na lang! Imposible namang walang internet café sa inyo."

"An, tama na. Intindihan mo na lang si Empe," sabat naman ng kaibigan ng binata na si Benson.

"D'yan sa intindi-intindi na 'yan kaya nagiging abusado kayo! Malaki ka na, Emperor. Siguro naman makakagawa ka na ng paraan para kumita at makabili kahit ng mumurahing laptop lang para makahabol ka sa panahon ngayon."

Napayuko si Empe. Kahit na tunog mayaman ang mga pangalan nila ng kuya niya na Emperor at King ay totoong talagang salat sila sa buhay. Simula nang namatay ang ina nila ay ang kuya na nitong nahinto sa pag-aaral ang bumubuhay sa kanila ng lola niya. Subalit paminsan-minsan lang niyang nakikitang lumalabas ang kuya niya. Ang lagi lang nitong bilin sa kanya ay huwag silang mang-iistorbo ng lola niya kapag ka nasa kwarto mag-isa si King kasi magtatrabaho raw ito. Nasabi nito minsan sa kanya na isa siyang online seller pero dahil mahirap ay mumurahing android phone lang ang gamit nito na may camera at load para sa trabaho nito.

"Apo..."

Mabilis na pinunasan ni Empe ang mga luha nang marinig niya ang lola niyang papalapit. Pansamantala niya ring itinigil ang pagsusulat ng sanaysay na dapat sanay printed at hindi handwritten subalit wala naman siyang magagawa sapagkat wala siyang mga gamit. Ititipa niya na lang iyon sa internetan pagkatapos niya upang makisuyo kay Benson na iprint iyon. Nasasayangan kasi siya sa baryang ihuhulog gayong wala pa siyang ideya kung anong ilalagay kapag nandoon na siya. Mas maigi itong tapos na niya at uulitin na lang kapag ka nandoon na.

"Bakit po, la?"

Ngumiti ang lola niya sa kanya at inilagay sa ibabaw ng lamesa ang binuksan nitong kawayang alkansya.

"Magkano ba ang laptop, apo?"

Naluha si Empe sa tanong ng matanda. Ilang taong inipon din iyon ng lola niya.

"Lola, huwag na po. Itabi niyo na lang po 'yan para sa pagpapagamot niyo. Kaya ko naman po..." pumiyok si Empe sa huling sinabi dahil sa hikbing kumawala. Lubhang naantig ang puso niya sa ginawa ng lola niya.

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon