Episode 28: The Girl Who Self-Destructs (Part 2)

1.5K 172 23
                                    

Episode 28: The Girl Who Self-Destructs (Part 2)

Ops! Esta imagem não segue nossas diretrizes de conteúdo. Para continuar a publicação, tente removê-la ou carregar outra.

Episode 28: The Girl Who Self-Destructs (Part 2)

                 • • • SNOW • • •

NATINGIN AKO KAY Tutti nang dumaan siya sa harapan ko habang tinutulungan ko si Rum sa paghahanda ng almusal namin. Nagluluto siya habang hinahanda ko naman ang mga pinggan.

"Rum, nas'an 'yong lalagyan ng gatas? Bakit wala rito?" tanong niya sabay sara ng cupboard na nasa ibaba.

"Tinabi ko na sa tasa mo kasi alam kong magtitimpla ka ng gatas."

Nabaling si Tutti doon at nakita nga iyon katabi ng tasa niya. Nagpasalamat siya kay Rum sa lengwaheng Chinese saka nagtimpla na ng gatas niya.

"Who among you have seen my black Louboutins?" tanong ni Queen pagkapasok niya ng kusina.

"Your school shoes? Nasa wardrobe ko nilagay n'ong nakalimutan mo noong isang gabi sa lobby," ani Rum sabay tanggal ng apron niya at kuha saka lapag sa dining table ng piniritong bangus at fried rice.

Sumunod naman ako sa kanya at nilapag na din ang mga plato sa mga pwesto namin. Si Tutti ang naglalagay ng mga kubyertos.

"Grazie," sagot ni Queen at lumabas ulit ng kitchen.

"Tol, 'yong black kong boxers nas'an na?" bungad ni Dean pagpasok sa kusina.

Ang lakas ng boses niya. Siguro hindi niya alam na nandine kaming mga babae. Ramdam kong namula ang mga pisngi ko dahil doon.

Nabuntong-hininga si Rum saka siya hinarap.

"Dean, nasa closet mo. Bakit nakasabit 'yon sa pinto ng doorknob mo? Dapat malinis at maayos ka sa mga gamit mo kahit na lalaki ka. Paano na lang kung may bisita tayong pumasok? Hindi magandang tingnan 'yon," pangaral ni Rum.

Nangiti ako sa tuwa kasi nagiging nanay na naman siya sa amin. Talagang nakakabilib si Rum. Nadinig ko ang mga yapak ni Dean palayo. Mukhang babalik siya sa kwarto nila.

"Dean, Queen, bilisan niyo na nang makakain na tayo!" tawag niya sa mga ito bago bumaling sa amin.

"Sige na, maupo na kayo."

Naupo na kaming tatlo at maya-maya pa ay sinamahan na din kami ng dalawa pa.

Nakakalungkot kasi kagabi sinubukan naming kausapin ang bagong kliyente naming si Tricia Tomas pero hindi niya binuksan ang pinto niya at sinabing gusto niya daw muna mapag-isa. Hinayaan naman siya ni Rum nang maintindihan ang gusto niya. Bilin niya din sa amin na huwag naming pilitin. She will talk to us when she's ready.

Maybe, just maybe, she thought her death will be her end. She committed suicide at akala niya doon na magtatapos ang lahat. Mukhang hindi niya inasahang hindi gan'on ang patakaran ng mga kaluluwa.

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsOnde histórias criam vida. Descubra agora