Episode 35: Golden Locks and the Three Blacks

1.4K 143 110
                                    

Episode 35: Golden Locks and the Three Blacks

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 35: Golden Locks and the Three Blacks

Walang mapagsidlan ng kaligayahan ang pararangalang mga mag-aaral ng Mababang Pamantasan ng Probinsya ng Zambales maliban na lamang sa second honor ng first section sanang si Goldie Ann.

"Maghinay, Goldie Ann," nakangiting tawag sa kanya ng emcee.

Nagpalakpakan ang lahat at tuwang-tuwang inayos ni Berna ang pink na blouse na kabibili lang niya kahapon sa ukay-ukay para sa okasyong iyon.

Napatayo at palakpak naman ang mag-ama niyang sina Bernard at Butchoy sa tuwa at pagmamalaki kay Goldie. Napaiwas ng tingin ang huli at lihim na nagngitngit sa galit nang mapansin niya ang mga kaklaseng tinatawanan ang pamilya niyang maitim.

Si Goldie ay naiiba sa kanila. Siya ay may blond na buhok sapagkat siya ay anak ng mga dayuhang turista na ayaw pang magka-anak kaya siya ay kinupkop ng pamilyang Aeta na ito nang dumayo at isilang siya ng totoong mga magulang doon sa Zambales. Sa mismong bundok na siyang tahanan ng mga ito.

"Yehey, uuwi na tayo! Baka luto na 'yong nilitsong manok ni lola ngayon! Congrats, ate!" natutuwang bati ni Butchoy sa kapatid sabay hawak sa kamay nito.

Mabilis na inagaw ni Goldie ang kamay mula rito. Natigilan ang kapatid at nagtatakang napatitig sa kanya.

"Di ba sinabi kong 'wag kayong pupunta rito?!" bulyaw ng dalaga sa kanila.

"Anak, walang magsusuot ng medalya mo kung hindi kami pupunta. Isa pa, gusto ka naming makita sa istage," nakangiting saad ni Berna sa anak.

"Mas mabuti na 'yon kaysa naman pinagtatawanan nila ako dahil sa inyo!"

"Goldie, hindi ko na nagugustuhan ang tono mo," saway ni Bernard dito.

"Bakit kasi hindi niyo na lang ako ibalik sa mga totoong magulang ko?"

"Anak, napag-usapan na natin 'to. Kinupkop ka namin kasi ayaw nilang mag-anak. Gusto lang nilang maglakbay sa iba't ibang bansa," malungkot na wika ni Berna.

"Bakit sa inyo pa nila ako iniwan kung gan'on? Sana...sana sa ampunan na lang nila ako iniwan o sa basura para kahit papaano... maayos naman ang mga nakapulot sa akin!"

"Sa araw-araw na lang kasi na ginawa ng Diyos, lagi akong tampulan ng tukso at pinagtatawanan kung bakit daw hilaw ako at sunog kayo! Kung bakit daw ang papangit at ang iitim niyo! Ayoko na! Nakakapagod na akong palagiang napapahiya dahil sa inyo!"

Nasaktan sina Bernard at Berna sa binitawang salita ng anak. Kinurap ni Berna ang mga mata upang pigilan ang kanyang mga luha. Hanggang ngayon ay hindi parin sila tanggap nito dahil sa kaibahan nila sa kulay ng balat.

"Ate, bad 'yan! 'Wag mong pinapaiyak si mama! Nagising siya nang maaga kanina para paglutuan ka ng mga handa tap-"

Malakas na tinabig ni Goldie si Butchoy at tumakbo palabas ng iskul. Tinawag siya ni Berna at sinundan ni Bernard.

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon