Episode 40: Beauty and the Beasts (Part 2)

1.4K 147 23
                                    

Episode 40: Beauty and the Beasts (Part 2)

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Episode 40: Beauty and the Beasts (Part 2)

                 • • • SNOW • • •

NASUOT KAMI NG black hoodies at itim na pants nina Dean at Tutti. Nakatakip din ng itim na mask ang mga mukha namin at tanging mga mata lang ang nakikita.

Natatawa ako sa itsura namin dahil para kaming mga magnanakaw pero wala kaming choice. Baka mamukhaan kasi kami ng mga pulis.

Naghihintay kami sa labas di kalayuan sa may presinto kung nasaan kasalukuyang na-detain si Edgar. Si James naman ay nagtatago na nang matunugang hinahanap na sila ng mga pulis. Kaya hinahanap nina Rum ngayon ito. Kaming tatlo naman lang naka-assign na magbantay dine kay Edgar. Baka kasi dumating si Mariquit.

Napahikab ako kaya isinandal ko ang ulo sa may backseat. Naka-lookout naman si Dean para tunugan kami sa mga kakaibang nangyayari sa loob ng presinto.

"Something strange was happening inside," tawag ni Dean sabay tapik ng pinto ng backseat.

Napaayos ako nang upo. Si Tutti naman itinaas ang hood ng suot niya saka lumabas na. I did the same too. Itinaas na din ni Dean ang kanya.

Nagpapatay-sindi ang mga ilaw sa loob ng presinto. Nagkakagulo na din ang mga pulis. Pansin kong nagliliparan ang mga papeles na para bang may malakas na hangin doon.

"And'yan na siya. Let's go," sabi ni Tutti at naglakad na palapit doon.

Sumunod agad kami ni Dean. Nagtago muna kami sa may entrance at nang mamatay ulit ang ilaw ay sinenyasan kami ni Tutti na sumunod sa kanya papasok sa loob.

Pagdating namin sa seldang pinagdalhan kay Edgar ay nagulat kami nang ang mga nakabulagtang pulis sa labas nang nakabukas na selda ang bumungad sa amin.

Pag-angat ko ng tingin sa loob ay nakasandal na sa pader si Edgar at hawak ni Mariquit sa leeg habang unti-unting inaangat mula sa sahig. Nasa beast form niya ito, isang ghoul. Mabuto at maputla siya. Her eyes were hollow and her talons were sharp and bony.

Mabilis na pumasok sina Tutti at Dean sa loob na sinundan ko naman agad. Gulat na gulat sila habang pinagmamasdan ang tila nakalutang na si Edgar na nauubusan na ng hininga. Hindi nila nakikita ang kaluluwa ni Mariquit kaya hinawakan ko nang magkabilaan ang mga kamay nila. Ang turo ni itang sa akin ay kailangan ko daw ibigay sa kanila ang enerhiya sa loob ng katawan ko upang makita din nila ang mga kaluluwa kapag nasa labas ng Overlook kami. Sa tingin ko, magagawa ko 'yon kapag hinawakan ko sila.

"Si Mariquit..." bulong ni Tutti nang gumana nga ang ginawa ko.

"Tangina. Tutti, barilin mo na para mapigilan natin siya," utos naman ni Dean nang makabawi.

Tumango si Tutti pero bago pa niya ma-summon ang shotgun niya ay pinigilan ko siya.

"Ako nang kakausap sa kanya," matapang kong hayag.

Beast Charmings: Funeral Service for BeastsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon