Chapter 20: Funeral

1.5K 40 0
                                    

SANIKA'S POV

NAGISING ako sa sakit ng ulo ko at ng boong katawan ko, pakiramdam ko ang dami kong ginawa ka gabi, pagod na pagod ang katawan ko. Napahawak ako sa ulo ko para indahin ang sakit, napabuntong hininga ako saka tumingin sa kesame.

"Ha....?" Napakunot ako ng noo at inilibot ko ang paningin ko sa boong silid "T-teka...hindi ko 'to kwarto-" akma akong tatayo ng maramdaman kong may mabigat na nakapatong sa tiyan ko.

Agad na nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa katabi ko, namimilog ang bibig kong napatingin sa sarili kong balot ng kumot.

"N-no...way..." Dahan dahan kong hinawakan ang kumot at sinilip ang katawan ko. "Fuck...." Gilalas ko at agad na tinakpan ang katawan ko sa kumot.

Inis akong napatingin sa katabi ko na mahimbing ang tulog, napapikit ako ng mariin at dahan dahang tinanggal ang kamay ni Maxwell na nakayakap sakin. Ng matanggal ko ay patakbo akong lumabas ng kwarto at tahimik na lumipat sa kwarto ko, mukhang tulog pa ang lahat dahil tahimik.

"Argh...what did I do?!" Tanong ko sa sarili ko ng makapasok ako sa kwarto. Napadaos dos ako sa pinto at napasabunot sa sarili. Pilit kong inaalala ang nangyari kagabi.

Flashback-

"Tama na 'yan, Lil. Lasing kana" sabi ni Jacob habang si Lillianne ay panay tawa at tungga, ang kausap ay si Liam.

Nakatingin lang ako sa kanila habang hawak ang bote ng beer at nakapatong doon ang baba ko.

"Anong lasing?"

*hik*

"Hindi pa ako lasing, diba Liam?" Baling niya kay Liam.

"Yeah....cheers!" Sigaw ni Liam at tinungga ang hawak na beer, nakisabay naman sa kaniya si Lil, pero hindi pa ito nakaka inom ng pigilan siya ni Jacob.

Napangisi akong tumingin kay Jacob na ngayun ay walang ka ekspre ekspresiyon ang mukha habang naka tingin kay Lil na nakangusong naka tingin sa kaniya.

"Tss.." Nakangisi kong usal saka tumungga ng beer.

"You're already drunk, i-uuwi na kita" Malamig ang tono ng boses ni Jacob, napaka seryoso at walang balak na makipag biruan. Kailan ba nakipag biruan 'yan.

"Hindi pa nga ako lasing!" Asik ni Lil, hindi na ma klaro ng maayos ang sinasabi dahil sa sobrang kalasingan. Marami na siyang nainom, halos silang dalawa ni Liam ang naka ubos ng wine at beer.

"Hindi pa siya lasing, inom pa tayo" singit naman ni Liam na hindi na maka pag salita ng maayos, ni hindi na maimulat ng maayos ang mga mata niyang singkit. Pulang pula na ang kaniyang mukha.

"Hayst...tama na nga 'yan Liam!" Asik ni Gray at kinuha ang hawak na beer ni Liam "Hindi kana nga maka mulat ng maayos, tch!" Singhal ni Gray at kinuha ang kamay ni Liam at inakay ito patayo.

"Teka...nag iinoman pa kami," pigil ni Lil pero hinawakan siya sa pulsuhan ni Jacob at padarag siyang itinayo. "Hoy! Nasasaktan ako, ha!" Asik ni Lil kay Jacob na seryoso lang nakatingin sa kaniya.

"Umuwi na tayo" mariing sabi ni Jacob sa mismong pagmumukha ni Lil.

"Tayo? Pfft!" Hindi makapaniwalang tanong ni Lil at tumawa ng peke. "Gusto ko pa uminom...." Parang batang sabi ni Lil at kukunin sana yung beer ng pigilan siya ni Jacob.

"Let's go" seryoso at nauubusan na ng pasensiya ani Jacob at kinuha ang bag ni Lil. "Tss" asik niya at binuhat si Lil na parang isang sakong bigas.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now