Chapter 12: Kidnapped

1.8K 56 1
                                    

Erina's Pov

NARITO na kami sa cafeteria kasama ko si Alice at Kenjie, panay parin ang ngiwi ni Alice sa tuwing mapapatingin kay Kenjie. Habang itong lalaking 'to naman ay deretso lang ang tingin habang naka pamulsa.

Gusto kung matawa sa kanilang dalawa, kelan kaya magkaka sundo ang mga 'to. Para kasi silang mga aso't pusa tuwing mag kikita, never ko pang nakitang nag kasundo ang dalawang 'to.

"Anyway, kamusta na pala yung kompanya niyo?" Pag iiba ni Alice kaya napatingin ako sa kaniya, kanina ay kung ano ano ang kinukwento niya tungkol sa bakasiyon niya.

"Hindi ko alam, si Tita kasi yung nag aasikaso nun" kibit balikat na sabi ko, 'yun ang totoo.

Simula ng mawala si daddy at mommy, siya na ang nag take over sa responsibilities ng kompanya. I don't know if it's going better, kasi nga sa pag kakaalam ko. Nalulong ngayun sa utang si Tita dahil sa sugal, i don't know kung pati kompanya ay nadamay dun.

"Why don't you take over it? Marami ka namang alam about bussiness" sabi niya habang naka pila kami, napa buntong hininga lang ako saka tumingin sa mga pagkain.

"Hindi sapat yung may alam lang ako, Alice. I'm just 19" Sabi ko ng hindi tumitingin sa kaniya, napatigil naman ako saka siya tiningnan ng huminto siya.

"Gosh! Erina, sa totoo lang kayang kaya mona. Wala kalang tiwala sa sarili" asik niya kaya napa iling lang ako at muling tumingin sa mga pagkain.

"Alice was right, you can handle that Erina. Just trust yourself, don't worry. Andito lang kami sa likod mo" Ani Kenjie kaya napangiti ako saka tumingin sa kaniya "Pwede rin naman kitang tulungan, kasi may sarili na naman akong bussiness" dagdag niya at napabuntong hininga ako.

Sa totoo lang, napaka swerte ko dahil may mga taong nag sasabing kaya ko. At nag papalakas ng loob ko, at hindi ko pag sisisihang naging kaibigan ko ang dalawang 'to kahit di mag kasundo

"Wag na muna natin pag usapan 'yan, nagugutom na ako. Hindi ako naka pag break kanina, ang daming ginawa" nakanguso kong sabi, marami kasing ginawa kanina. Hindi ko nagawang mag break kasi ang daming pwedeng tapusin, napaka hassle. Unang araw palang.

"Miss Erina?" Napatigil ako saka lumingon sa likuran ko, napakunot ako ng noo ng mapagtanto kung sino ang tumawag sakin "Ikaw nga!" Sigaw ni Liam at akmang yayakap ng pigilan siya ni Kenjie.

"Stay away" walang emosiyong anito at napa kunot naman ng noo ni Liam rito saka tumingin sa likod niya kung saan naroon si Gray.

"Teka, sino 'to Miss Erina?" Turo ni Liam kay Kenjie, pakiramdam ko naiipit na ako dito. Parang gusto ko nalang batukan 'tong bwesit na'to dahil sa pinag sasabi niya.

'Peste! Peste! Bakit nandito 'tong mga to!

"A-ah, si Kenjie. Kai--"

"Her boyfriend, why?" Napatingin ako kay Kenjie dahil sa sagot niya. Boyfriend? Napakunot ako ng noo, pero kinakabahan ako kaya hindi ko magawang mag react or sumalungat sa sinabi niya?

"Weee..?" Nakangiwing anas ni Liam saka bumaling sa akin "Boyfriend mo?" Naninigurong tanong niya habang naka tingin sakin at naka turo kay Kenjie.

"Teka nga, magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Alice na pumagitna pa. Kaya napapikit ako ng mariin sa pagpipigil ng inis, at halong kaba.

"Siyempre, bini--" kusang napahinto si Liam sa pagsasalita ng senyasan ko siya.

Makiramdam ka naman peste!

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now