Chapter 32: Mafia War 2

1.1K 35 0
                                    

PANAY ang sigaw ni Sanika sa pangalan ni Calandra, panay rin ang tingin niya sa mga butas na naroon, nag babakasakaling naroon si Calandra. Pero halos malibot na niya ang bakanteng lupa ay hindi pa niya mahanap si Calandra.

"Calandra!" Muling pag tawag niya sa kaibigan, napahawak nalang siya sa mga tuhod at doon huminga mg malalim dahil sa pagod.

"Sanika!" Agad siyang napatingin sa pinanggalingan ng boses at nabuhayan siya ng loob ng makita si Liam. "Nasaan si Calandra?" Agad na tanong nito ng makalapit kay Sanika.

"I don't know ei-" hindi niya natuloy ang sasabihin ng mahagip mg mata niya ang isang lupang tinabunan at may naka usok ritong kahoy at nakalagay ang pangalan ni Calandra. "Calandra...." Hindi makapaniwalang sabi ni Sanika at napatingin siya sa dalawang palang naroroon.

"What the-Calandra!" Sigaw ni Liam sa pag aalala at agad na tinanggal ang kahoy na naka usok at kinuha ang pala saka sinumulang mag hukay.

Akmay tutulong na si Sanika ng biglang mangibabaw ang putok ng baril at muntikan siyang matamaan. Nag aapoy sa galit ang mga maya niya ng tumingin sa tauhang bumaril sa kaniya.

"Bilisan mo diyan, ako na ang bahala sa mga 'to" sabi ni Sanika ngunit hindi siya pinansin ni Liam na siyang abala sa pag huhukay.

Napabuga ng hangin si Sanika saka inihanda ang sarili sa pag sugod.

Agad niyang inilagan ang suntok ng isa at hinampas niya sa mukha gamit ang hawak na pala, pinaghahampas niya ng boong lakas at walang palya ang mga tauhan sa bawat parte ng katawan. Mabilis niya 'yung napatumba at halos maligo ang mga ito sa sariling dugo. Walang kaawa awa si Sanika sa mga 'to, dahil napupuno ng galit ang boong pagkatao niya.

Habang si Liam naman ay mabilis niyang nahukay ang butas dahil sa hindi naman ito kalaliman, bumungad sa kaniya ang isang kabaong na siyang lalong nagpahina at nag pakaba sa kaniya.

"C-calan-" hindi siya halos makapagsalita ng mabuksan niya ang kabaong ay naroroon ang walang malay at parang walang buhay na si Calandra. Namumutla ito at basa sa pawis.

Agad na binuhat ni Liam si Calandra at pinahiga para i-CPR. Ilang ulit niyang ginawa 'yun ng hindi parin ito nagigising.

"Wake up please...." Umiiyak na sabi ni Liam habang paulit ulit na dinidiinan ang dibdib ni Calandra, hindi na siya mapakali at tanging nagagawa niya lang ay banggitin ang pangalan ni Calandra, i-cpr at umiyak.

"Move aside," singit ni Calandra at pumalit kay Liam, maya maya lang din ay nangibabaw ang malakas na ubo at pag hugot ng hininga ni Calandra.

"Calandra!" Agad na niyakap ni Liam si Calandra ng bigla itong maupo at humugot ng sunod sunod na hininga, tila ba ay naubosan ng hangin sa ilang oras. "You scared me as fuck" umiiyak na sabi ni Liam habang si Calandra ay naiyak nalang din.

"Hindi ako makahinga, natatakot ako...." Hagulgol nito habang malalalim parin ang paghinga.

"You're safe now, don't worry." Emosiyonal na sabi ni Liam at hinaplos ang buhok ni Calandra para ito kumalma.

SAMANTALA ay nabuhayan ng loob si Khairo ng makita ang kaibigan.

"Oh God...what happen to her?" Gulat na sabi ni Khiara habang nakatingin kay Erina na hinang hina na.

"What take you so long?" Pormal na tanong ni Khairo habang hawak si Erina.

"I'm sorry, may pina asikaso pa saakin si Erina" sagot ni Jacob at napakunot naman ng noo si Khairo at napatingin kay Erina, ngumiti lamang si Erina saka tumingin kay Jacob.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now