Chapter 45: Lost

644 18 0
                                    

Lara's POV

HINDI kona napigilan pa si Erina ng tumakbo pa siya sa labas dahil nagkagulo narin sa loob, nilingon ko si Maxwell at 'yung ex niya ngunit wala na roon si Maxwell. Napakunot naman ako ng noo ng makita ko si Mr. Cooper na kalmado lamang na naglalakad paalis, binaliwala ko 'yun ng may mapansin ako sa ulo ni Gray.

"Gray!" Hiyaw ko at agad siyang niyakap dahilan para bumagsak kaming pareho, binaliwala namin ang pagka bagsak dahil lahat kami ay nagulat. Dahil kung hindi ko ginawa 'yun ay baka nabaril na siya sa ulo. Agad kong tiningala kong saan galing ang bala.

"That god-damned" asik ni Gray at agad na tumayo at alalayan ako.

"Lillianne, lumabas na kayo kasama ang ibang tao. Calandra, punatahan mo si Erina sa labas, make her safe" utos ni Jacob at agad na tumakbo. Nilingon ko naman sina Lillianne na ngayun ay pinapalabas na ang mga tao kaya agad ko siyang tinulungan.

Nasa pintuan na kami ng biglang umalingawngaw ang dalawang malakas na pag sabog, kaya lahat ng tao ay napa dapa sa sobrang lakas. Agad naman akong inataki ng kaba ng makita si Erina na naka upo sa lupa at iyak ng iyak.

Nagitla naman ako ng may tumama sa gilid ko kaya napatiim bagang ako sa inis at kinuha ang baril na nakasiksik sa legs ko.  Ito ang dahilan kung bakit ayaw na ayaw kong mag soot ng pambabaeng damit dahil hindi ako nakakakilos ng maayos, mabuti nalang at hindi fitted ang damit ko at hindi ako nag boots lang ako. Kahit papaano ay nakakakilos ako ng maayos.

"Lumabas na kayo" sigaw ko at hindi naman nag alinlangan ang mga tao na lumabas, ng maka labas ay agad akong tumakbo pabalik sa loob.

"Hey! Bakit ka bumalik?" Asik ni Gray at napangisi lang ako.

"Tss" tanging sabi ko ko at lomuhod para targetin ang lalaking nasa pinaka mataas, hindi naman ako napahiya ng mahulog ito galing sa taas.

Pinapaulanan kami ng mga bala ngunit parang baliwala 'yun saamin, ang tanging ginagawa namin ay takbo, baril, at magoa gulong gulong sa sahig. Halos masira ang boong venue dahil sa mga bala. Hindi ko alam kung gaano katagal ang naging palitan ng putukan bago matapos ang laban sa pagitan namin. Ng maka labas kami ay naroon na ang mga pulis at ambulance, pati rin ang mga taong nakikis usiyoso.

Hindi na namin hinarap pa ang mga pulis at tumuloy kami sa hospital dahil naroon raw si Erina at  Sanika.

"What happen?" Agad na tanong ko ng makarating kami sa hospital, walang sumagot saakin dahil panay ang ikot ikot ni Maxwell habang umiiyak, ngayun ko lang ulit nakitang umiyak ang kapatid ko.

Si Lillianne naman ay nakaupo lang sa waiting area at tahimik, hinihingal naman ako kaya naupo nalang din ako para maghintay na lumabas ang Doctor.

"Nasaan si Khairo?" Tanong ni Jacob na kararating lang. Tiningnan lang siya ng lahat at muling tumungo kaya napakunot ako ng noo. "Where is he?!" Pasigaw na tanong ni Jacob at bigla namang humagolgol si Lillianne kaya nilapitan ko siya.

"Hey, bakit ka umiiyak?" Tanong ko at tumingin lang siya saakin saka yumakap. Hindi ko na siya tinanong pa kung anong nangyari at inalo ko nalang siya para tumigil sa kakaiyak.

"Maxwell, nasaan si Khairo?" Tanong muli ni Jacob ngunit tiningnan lang siya ni Maxwell bago humarap sa pader at sinuntok iyun ng pa ulit ulit, natahimik naman kaming lahat at nakatingin lang sa kaniya. Hindi ko alam kung anong nangyari sa labas kanina pero kinakabahan ako, walang nagsasalita kong nasaan si Khairo at walang nag kukwento kung anong nangyari kay Sanika at Erina kung bakit sila naroon sa loob ng ER.

Erina's POV

NAGISING ako sa sakit ng ulo ko, inilibot ko ang paningin ko bago ko pilit na itayo ang sarili ko.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now