Chapter 21: Impostor

1.4K 45 1
                                    

MAXWELL'S POV

"You're here?" Kunot noong tanong ko kay Sky na ngayun ay nakangising naka tayo habang nakatingin samin. Nag kibit balikat siya saka lumapit samin.

"Nakikiramay ako Mr. Ventura" baling niya kay Kenjie na ngayun ay kunot na kunot ang noo at masama ang tingin sa kaniya.

"Umalis na kayo," hindi niya pinansin si Sky at bumaling lang saamin.

"Mr. Ventura—"

"Call me in that surename ones again, you'll be next to be dead" bakas ang pagbabanta sa tinig ni Kenjie, pero ngumisi lang si Mr. Cooper at nakapamulsang humarap kay Kenjie.

"Sorry, Mr. Wood" pagtatama niya "Hindi ako kalaban rito, kakampi ako—"

"Really? Mr. Cooper?" Napatingin kaming lahat kay Sky. "Sa pagkakaalam ko ay masayang masaya ka at nawala ang matandang Wood" nakangising sabi ni Sky at lalong sumama ang mukha ni Kenjie.

"Umalis na kayo kung ayaw niyo isa sa inyo ang sumunod sa ama ko," mariing sabi ni Kenjie kaya napa iling ako at sinamaan ng tingin si Sky, at ang mokong ay kumindat lang saakin.

Bumuntong hininga si Mr. Cooper at naunang tumalikod at lumabas ng Funeral hall, napatingin naman samin si Kenjie na masama ang mukha. Magsasalita na sana ako para ayain si boss ng mauna siyang maglakad. Sumunod naman ako sa kaniya at ng mahinto sa harap ni Sky ay inambahan ko ito ng suntok pero ngumisi lang siya.

Tss.

"Boss, bakit ba tayo pumunta dito?" Tanong ko kay boss ng maka labas kami, nakapamulsa naman siyang huminto sa harap ng sasakyan namin.

"Ayaw mo bang makita ang isang taong matagal mo nang hindi nakikita?" Tanong niya habang naka talikod sakin, naguluhan naman ako sa tanong niya kaya napa kamot ako sa ulo.

"Hindi kita maintindihan, boss" pag amin ko at lumingon siya sakin saka sumulyap sa kabilang highway, tumingin naman ako doon at napag tanto kung nakatingin siya sa kulay Gray na kotse. Na sa hula ko ay sasakyan 'yun ni Sky.

"Hindi ko alam kung bakit nagkaroon ako ng mga tauhang makikitid ang utak" iiling iling na sabi niya saka naglakad sa kabilang pinto ng kotse.

"Ha! Makikitid ang utak?" Hindi maka paniwalang tanong ko sa kaniya "Tinawag mong makikitid ang utak ng mga tauhan mo? Ha! Naku boss, hindi ako kasali diyan" sabi ko at napa hawak naman siya sa bobong ng kotse habang ang isang kamay ay nasa pinto ng sasakyan at nauumay na nakatingin sakin.

"Mas mabuti sigurong palitan na kita kay Sky" iiling iling na sabi niya saka pumasok sa kotse.

Napaamang naman ako dahil sa sinabi niya, napa hawak ako sa bewang ko habang ang isang kamay ay naka takip sa bibig ko. Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni boss ngayun lang.

Gusto niya ako palitan? At 'yung si Sky pa? Ha!

"Aish!" Singhal ko at sinipa ang gulong ng sasakyan, maya maya lang ay bumaba ang glass window sa harap ko at dumungaw si boss.

"This is my fucking car so don't you dare Drainelle! I'll kill you, I'm telling you" kalmado ngunit nakakatakot ang pagbabanta ni boss, sino ba namang hindi matatakot sa lalaking 'to. Kung ano ang sinasabi tinototoo. Kapag sinabi niyang papatayin ka papatayin ka, buti nalang at gwapo ako kaya buhay pa ako hanggang ngayun.

"Tss" singhal ko at bubuksan na sana ang sasakyan ng marinig ko si Sky.

"Aalis na kayo?" Tanong niya ng harapin ko siya, siniringan ko naman siya saka tiningnan.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now