Chapter 49: Unexpected person

721 20 4
                                    

Lara's POV

LAHAT kami ay napalingon sa pool area ng umalingawngaw ang boses ni Gail, napakunot ako ng noo ng makita ko siyang naglalakad palapit kay Mr. Ferrer.

"This woman...." Anas ni Sanika, pero ang sumunod na nangyari ang mas ikinagulat naming lahat, kahit na ako ay na estatwa sa kinatatayuan ko ng masaksihan ko ang ginawa ni Gail. Nilingon ko si Erina na ngayun ay nakikipag tulakan kay Mr. Cooper, mukhang pinipigilan ni Mr. Cooper si Erina na lumingon sa dereksiyon nina Mr. Ferrer.

"What the...." Gulat na usal ni Liam.

"Oh my......" Usal ni Lillianne.

Pare-pareho kaming hindi alam ang e-rereact sa senaryong ito, pinagmasdan lamang namin si Erina na dahan dahang naglakad patungo sa dereksiyon nina Mr. Ferrer, kitang kita sa mukha ni Erina ang galit at malamig na awra niya. Gusto ko tuloy takbuhin si Gail at itulak sa pool, pero hindi ako magalaw dahil naroon kay Erina ang atensiyon ko. Ang akala ko ay lalapitan niya si Mr. Ferrer pero nilampasan niya lang ito at duneretso kay Gail, ang kaninang maingay na party ay parang naging tahimik at tanging hininga lamang at paglunok ng mga tao ang maririnig. Lahat ay nakaabang sa susunod na senaryo.

Ang lahat ay nagitla at nagulat ng biglang gumalaw ang kamay ni Erina at dumapo iyun sa pisnge ni Gail, nanlaki ang mga mata ko at namilog ang bibig ko sa gulat. Napalakas ng pagkakasampal ni Erina kay Gail, pati ang soot nitong maskara ay natanggal sa pagkasampal, isang sampal lamang 'yun pero halos matumba si Gail sa lakas nito. Kung ako ang nasa sitwasiyon ni Gail ay mabibingi ako sa sobrang lakas niyon.

"W-why...why did you do that!" Sigaw ni Gail habang hawak hawak ang pisngeng namumula, hindi ko alam kong napansin niya rin ang gilid ng labi niya na dumudugo. Gusto kong maawa sa kaniya pero naudlot 'yun dahil sa stupido niyang tanong.

Malandi ka kasi kaya ayus lang 'yan, mare.

"Hinayaan kitang landiin ang asawa ko pero hindi kita hahayaang dampian ang kahit na anong parte ng katawan niya, ayokong mahawaan mo siya ng sarili mong dumi" walang kasing diin at lamig ang boses ni Erina, pero tinawanan lamang 'yun ni Gail.

Baliw.

"You're so funny" halakhak ni Gail pero nanatiling blanko ang mukha ni Erina.

Baliw nga.

"Wife.." tawag ni Mr. Ferrer sa asawa pero hindi ito pinansin.

Lakas talaga ng kamandag ni Mr. Ferrer.

"Huwag kang masiyadong matuwa saakin, nakakamatay ako" lahat kami ay napalunok sa sinabi ni Erina. Nakakamatay....

Kamatayan ka, girl?

"Ha?!" Pigil na tawa ni Gail "Ano ka si kamatayan?" Natatawang tanong niya at lalo kaming nangilabot ng ngumisi si Erina.

Ngumisi na lahat 'wag lang si Erina, nakakatakot.

"Pwede" nakangising sagot niya at sumama lang ang mukha ni Gail.

"Tch!" Singhal ni Gail at akmang lalapit kay Erina ng mangibabaw ang tinig ng isang lalake.

"Gail!" Tawag ng lalaking naglalakad patungo sa dereksiyon nila, lahat kami ay napunta sa kaniya ang atensiyon. Hindi ko siya nakilala dahil sa soot niyang maskara.

Ang tindig, at boses ay pamilyar saakin kaya naipilig ko ang ulo ko at inisip kong sino ang lalaking 'to.

"Oh....C'mon" asik ni Gail, mukhang hindi nagustuhan ang pag dating ng lalaki.

"What the hell are you doing?!" Asik ng lalaki at mariing hinawakan sa braso si Gail.

"Don't touch me!" Singhal ni Gail sa lalaki at pilit na inaagaw ang braso.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now