Chapter 10: Danger

1.9K 62 3
                                    

ERINA'S POV

Nakatingin lang ako kay Sanika na ngayun ay panay ang suntok at sipa sa hangin, tagaktak ng ang pawis niya at nakakabilib siyang pagmasdan. Halatang bihasa na siya sa ginagawa niya, nakaka inganyo tingnan.

"You should know how to protect yourself" ani Sanika habang sumusuntok sa hangin "Not all the time, may sasagip sayo" dagdag niya habang ganun parin ang postura,

"Dad tough me some self defense" aniko at himihingal naman siyang huminto saka tumingin sakin

"You should learn more" diko alam kung seryoso siya pero ganun nanga ata siya, lumapit siya sa table at kinuha ang towel niya saka nagpunas ng pawis.

Magsasalita pa sana ako ng may maramdaman nanaman akong kakaiba, pakiramdam ko maybmga matang naka masid samin. And it makes my heart beat fast, parang mag ibang tao kaming kasama.

Not a ghost,

"Sanika" Tawag ko kay Sanika na agad namang tumingin sakin, napalunok ako saka tumingin sa paligid. I really feel someone's presence

"Bakit?" Tanong ni Sanika sakin, na ngayun ay nakakunot na ang noo. Na para bang binabasa ang mata ko, panay lang ang linga ko at nakikiramdam sa paligid. Nandun nanaman ang kakaibang pakiramdam.

Is there something wrong will happen again?

"Sure kabang tayong dalawa lang ang nandito ngayun?" Tanong ko sa kaniya na lalong ikinakunot ng noo niya, naipilig niya ang ulo niya at ng magtama ang mata namin ay para bang may gusto siyang sabihin. Nakita ko pa ang pag silip niya sa gilid ng mata niya, kaya lalo akong kinabahan.

"Pumasok kana..." anas niya at mababakasan ang pagiging seryoso niya, kaya agad na namayani ang kaba sa aking dibdib. Parang tinatambol ng pagkalakas lakas ang dibdib ko sa kaba, idagdag pa ang tono ng boses niya. Hindi ko tuloy magawang kumilos dahil hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, nilalamon ako ng takot.

"Damn!" Malakas na mura ni Sanika at doon lang ako natauhan, wala sa sariling napa dapa ako ng makita ko yung taong purod itim at nasa itaas ng puno. Na siyang nasa labas ng bahay, sumakit bigla ang ulo ko dahil hindi ko malaman ang aking gagawin.

Lalo na't may hawak siyang mahabang baril at nakatutok samin, ayun nanaman ang kaba at takot. Nanlalambot ang boo kung katawan, parang gusto kung maiyak sa takot. Nakaka bobo ang sitwasiyon na ito, nakaka duwag.

"Erina! Come here!" Napatingin ako kay sanika na ngayun ay naka dapa at gumagapang papasok sa pinto, gumaya ako sa kaniya at napapaigtad ako sa tuwing may maririnig akong putok ng baril "hurry!" Sigaw niya saka nagtago sa likod ng pinto. Binilisan ko naman ang paggapang hanggang sa makapasok ako at nagtuloy sa sala.

Ngunit pagkarating namin doon ay nagulat ako ng mabasag ang glass wall at pumasok ang mga taong naka soot ng puros itim na parang mga ninja at may hawak na malalaking baril, para akong na istatwa sa aking kinatatayuan. Natauhan lamang ako ng itulak ako ni Sanika padapa sa sahig kasabay ng sunod sunod na putok ng baril.

Naiiyak ako sa kaba at takot, feeling ko huling araw kona 'to. Pakiramdam ko wala na kaming takas sa mga 'to, ang dami nila at dala-dalawa lang kami. Nagsiliparan ang mga puting cotton ng sofa dahil tinatamaan ito ng mga bala, sinilip ko si Sanika na ngayun ay nakikipag barilan sa mga lapastanganang ito.

Tudo takip ako sa aking magkabilang tenga para lang mabawasan ang lakas ng tunog ng baril na aking naririnig, parang humihiwalay ang aking kaluluwa sa aking katawan sa tuwing makakarinig ako ng malalakas na putok ng baril. Nakakabingi, nakaka-kaba, nakakatanga, nakaka duwag.

"Ahhhhhh!!!" Napatingin ako kay Sanika ng marinig ko siyang sumigaw, napatanga ako ng makita siyang hirap na hirap na kumasa ng baril habang naka sandal sa likod ng sofa. Nakaka awa ang kaniyang mukha, napukol ang aking paningin sa kaniyang braso na puno ng dugo.

Sold to a Mafia BossWhere stories live. Discover now