Chapter 18

12 2 0
                                    

Enjoy reading! 💙

Revelation

Kim's POV

"Chase?!" Malakas na tanong ko at itinuro ang mukha niya. "Ikaw ba 'yan?" Sabi ko at hinawakan ang pisngi niya at pinisil.

"Oo, ako nga. The one and only." Sabi niya na parang nag tatampo.

"Omaygossssh! Sorry! Hindi kita nakilala may shades ka kasi, eh. Pero maniwala ka unang tingin ko sa'yo pamilyar ka sakin." Pag papaliwanag ko. "Ano'ng ginagawa mo rito?! Parang kailan lang nandito ka, ah?" Ilang linggo lang ang nakaraan nung huli ko siyang makita, tapos ngayon nandito nanaman siya parang ang dalas niyang mapadpad dito sa'min.

"Ayon nga, pero nakalimutan mo pa rin ako. You should drink memo plus gold, ang makakalimutin mo." Sabi niya at mas humaba ang nguso.

"Kuyang Feeling na men in black, 'wag kana mag tampo. Atleast ngayon nakilala na kita. Atyaka sadyang marami akong iniisip lately." Sabi ko at dinutdot ang pinsgi niya.

"Tsk! I told you don't call me using that weird nickname, it's annoying. My name is chase, call me chase or hase." Nakasimangot na sabi niya. "Or babe." Naka ngising sabi niya at kumindat. Nalukot naman ang mukha ko.

Warahel?!

"Luh, sino ka naman d'yan sissyqq. At tyaka alam ko, sinasadya ko talaga kasi ang cute mo tignan." Sabi ko at hinawakan ang mag kabilang pisngi niya at pinisil 'yon.

"Tsk. Stop it." Pikon na sambit niya at iniwan ang mukha, binalik niya rin ang suot na black shades.

Hay! Parang re-reglahin 'ata ako sa lalakeng 'to pero sa ilong yung labas.

"Hoy!" Agaw ko sa attension niya, pero deadma lang siya, galit na 'to? Hala! Baka nga!

"Oyy! Galit Kaba? Sorry naman, hindi ko naman alam na—." Itinapat niya ang hintuturo niya sa labi ko kaya napatigil ako sa pag sasalita. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa niya. Ang alat ng daliri niya! Pwe!

Sinundan ko ang tingin, niya at nanlaki ang mga mata ko ng makita ko 'yung lalaking nakatingin sa'kin nung isang araw!

"A-anong ginawa niya rito?" Binalot ng kaba ang buong pagkatao ko. Bakit andito rin siya? Nag kataon lang na 'to? O sinusundan niya ako? Pero bakit? Ano'ng kailangan sa'kin ng taong 'yon? Hindi ko mapigilan ang sarili kong isipin ang dahilan. Paano kung stalker nga siya? Ano bang kailangan niya, kung pera ang kailangan niya ay nako maling tao ang sinusundan at tinititra niya. 

Sasabihin ko na sana kay Chase baka matulungan niya ako, pero pag harap ko sa tabi ko wala na si Chase sa tabi ko. Nasaan na 'yung lalaking 'yon?! Hindi ko napansin na umalis na pala siya, ang lalim na pala mag pag iisip ko para hindi ko mapansin na lumayas na pala siya.

Tumayo ako at inilibot ang paningin ko, agad ko siyang nakita dahil agaw pansin ang tangkad at ang kulay ng balat niya plus ang appeal niya. Tumatabko siya papalayo sa'kin.

Lakad, takbo na ang ginawa ko Pero bigo akong mahabol siya, maliban sa maraming tao may kaliitan ako kaya hindi ko kaya 'yung laki ng hakbang niya at ang bilis niyang mag lakad parang may hinahabol. Tumigil ako sa gitna ng plaza para habulin ang hininga ko dahil sa pagod at init.

"Ay!" Halos mapatalon ako sa gulat ng may biglang kumulbit sa'kin. Napahawak ako sa dibdib ko at humarap sa kumulbit sa'kin, isang mga sa tingin ko at nasa 40 pataas ang edad naka pantalon at blouse na kulay cream naka sandals lang siya, usual na suot ng mga nasa gano'ng edad.

Tita vibes.

"Huwag naman po kayong mang gugulat na gano'n." Natatawang sabi ko.

"Sorry kung nagulat kita." May maliit na ngiti na sumilay sa labi niya.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now