Chapter 11

25 5 0
                                    

Enjoy reading! 💙

Myster Text

Kim's POV

Natapos na ang klase namin para sa araw na'to. Yes! Sa wakas, tapos na ang kalbaryo ko sa araw na'to bukas na ulit. 

Dumiretso na kami ni Julie sa main gate para hintayin si josh, kasama ko si julie hanggang sa gate nga lang, mag ka-iba kase kami ng daan pauwi. Ganito naman lagi yung routine namin, lagi kaming nag i-intayan sa gate kung sino ang ma-una siya ang mag hi-hintay sa gate. Sanay na rin kami na mag kasabay sa pag uwi, at hindi kumpleto ang araw pag hindi niya ako... Naiinis o naasar.

Nang makarating ako sa main gate ay ini-libot ko ang paningin ko para tignan kung andito na ba ang binata na 'yon. Natanaw ko si josh sa kabilang kalsada naka-upo sa tindahan ng fishball, kikiam, kwek kwek, at mga palamig ni mang jun, matandang tindero na tropa namin ni josh. Nag paalam na si julie baka raw maubusan siya ng sasakyan, hinintay kong maka-alis si julie bago ko lapitan yung isa.

Tahimik lang itong kumakain, pansin ko ang pag sulyap sa kaniya ng mangilan ngilang studyante sabay bubulong sa katabi, napa iling ako.

Mahina kong sinipa ang sapatos nito para agawin ang attention. "Tara na, uwi na tayo. Panay ka kain." 

"Kung gusto mo kumuha kana, babayaran ko. Libre kita." Sabi niya at ngumiti. Nag liwanag ang mata ko ng makarinig ng... LIBRE!! Minsan lang man libre 'tong bakulaw na'to himala 'to haha! Ano kaya pinakain ni tita dito bakit nanlibre. Mukha rin siyang unbothered sa mga bulungan, mabuti naman.

"Hindi ba scam 'yan? Baka mamaya sabihin mo wala kang pera, kakatayin kita." Sabi ko at binigyan siya ng matalim na tingin. Nadala na ako sa ilang beses na ako ang nag babayad sa 'libre' niya dahil naiwan niya raw ang pera o kaya ay ang wallet mismo. 

Nag lakad na'ko palapit kay manong jun, narinig ko pa ang pag tawa niya. Kumuha ako ng isang bbq stick at isang plastic cup, tumusok ako ng fishball, kwek kwek, kikiam at isang chocolate na palamig para sa panulak, naupo ako sa tabi nung bakulaw at nag simula ng kumain.

"Kamusta ka naman?" Tanong ko habang ngumunguya ng fishball.

Narinig ko ang buntong hininga niya. "Eto sikat na bilang salot, bakla, at tinatakbuhan ang responsibilidad bilang ama." Sagot niya at pilit na tumawa.

"Anong balak mong gawin? Kalat na sa buong campus yung chismis tungkol sa'yo. Wala kabang balak ipaglaban yung sarili mo? Paano kaba kasi napunta sa situation na iyan? Alam ba nila tita iyan?" Curious na tanong ko at nilingon ang binata. Malayo ang tingin nito, kahit padilim na ay kita ko parin siya. 

"Hindi ko alam... Ang gulo. Wala silang alam." Mahinang sabi niya. 

"Andito lang ako, ha? Alam mo iyan." Ipinatong ko ang kamay ko sa likod niya at bahagya itong hinaplos, tipid itong ngumiti at tumango. Napa buntong hininga ako at umiwas nalang ng tingin, malakas ang pakiramdam ko na marami siyang hindi nanaman sinasasabi sa'kin. Ewan ko ba, ang hilig niyang mag tago ng problema akala mo'y ikayayaman at uunlad niya iyon.

Ng maubos ang kinakain ay nag bayad na agad siya at nag ayang umuwi. Gusto ko siyang tanungin pero mas pinili kong mag shut up challenge kasi gusto kong bigyan pa siya ng panahon at mukhsng hindi ito ang tamang oras para mag tanong.

"Salamat sa pag hatid, josh. Huwag mo ng isipin yung sinasabi nila, alam kong hindi ka gano'n at alam kong alam mo rin iyon sa sarili mo mismo." Naka ngiting sambit ko ng maihatid niya ako sa tapat ng bahay, tumango naman ito at nag paalam ng uuwi sa kanila.

"Kim... Kamusta ang skwela?" Napatingin ako kay inay ng itanong niya iyon habang tahimik kaming  nag  hahapunan. Ayon pinag kakaguluhan sa campus yung paborito mong anak na si josh, gusto kong sabihin iyon pero syempre hindi ko gagawin.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now