Chapter 22

15 3 2
                                    

Enjoy reading!

Paw patrol

Kim's POV

Tulala akong naka upo ngayon sa labas ng aming bahay.

"Kim, ayos kalang ba, anak?" Naramdaman ko ang pag upo ni inay sa aking tabi.

"O-opo, ayos lang naman po ako." Walang lingong sabi ko.

"O siya, kapag may problema andito lang si inay, ha? Huwag mahihiyang mag sabi, mahal na mahal kita." Pag kasabi niya no'n ay hinalikan niya ang aking noo at bumalik na sa loob ng aming munting bahay.

Napa buntong hininga ako, hindi ko alam ang mararamdaman ko ngayon lalo na't alam ko na ang lahat!

'Flashback'

"Siguraduhin mo lang na wala lang pag sasabihan nito. Sinasabi ko sa'yo kakalbuhin kita." Masama ang tingin niya sakin hang sinasabi 'yon parang anytime pwede aking humandusay dito sa kinatatayuan ko dahil sa talim ng tingin niya. Jusko huwag naman, marami pa akong plano at pangarap. Tumango naman ako bilang sagot.

"Alam kong may idea kana sa usapang kumakalat na tungkol sa'kin at kay Josh. I wanted to clear it to you, h-he's not the f-father." Kagat labing pag amin ni Janine. Napa singhap at takip ako ng aking bibig dahil sa narinig. So, safe si Josh?! I knew it! Hindi siya gano'ng uri ng adan.

"Pero paanong nadawit ang pangalan niya kung gano'n?" Tanong ko.

"I-I made that up, p-pinalabas kong siya ang ama kasi natakot akong may ibang maka alam ng kalagayan ko, a-alam kong huhusgahan nila ako. K-kaya bago iyong mangyari ay gumawa na ako ng kwento." Nanginginig na sabi niya.

"Bakit mo ginawa iyon? Hindi mo ba naisip ang mangyayari kay Josh?" May diing tanong ko.

"It's an impulsive decision, ok?! Nag sisi akong ginawa ko iyon, dahil dinamay ko pa yung tao. I'm so tired of my life, pagod na ako, tapos dinagdagan pa ng panibagong pabigat." Umiiyak na sabi nito, agad ko siyang nilapitan at marahang hinagod ang kaniyang likuran. "Buong buhay ko lagi nalang akong hinuhusgahan! L-lagi nalang akong nababansagan na sl*t, a wh*re, h*e, na wala namang katotohanan! H-hind ko naman ginusto na mag karoon ako ng malaking joga! Tao rin naman ako, may nararamdaman, nasasaktan." Napa tingin ako sa joga niya at sa akin, totoong may kalakihan ang kinabukasan niya kaysa sa'kin.

I slowly wrapped my arms around her. Akala ko ay itutulak niya ako pero nagulat ako ng isandal niya ang ulo niya sa aking balikat at humagulgol.

"Pagod na pagod na ako, n-nalaman ngg l-lola ko... N-na bunit s ako, and s-she got mad... S-siya nalang ang mayroon ako simula ng m-mwala ang magulang ko, tapos ngayon w-wala na. Pati siya ay t-tinalikuran Narin ako..." Iniharang niya ang kaniyang palad sa mukha at umiyak nang umiyak.

"Shush, a-andito ako. Tumahan kana, hindi Maganda sa kalagayan mo ang umiyak ng umiyak, makakasama iyan sa inyo ng bata. Nasaan ang ama ng bata?" Humiwalay siya sa'kin at pinunasan ang mga luha.

"H-hindi ko alam." Napa tanga ako sa sagot niya. Paanong hndi alam?! Ano iyan biglang may black magic na nag lagay ng sp*rm sa sinapupunan niya?!

Tumayo si Janine at pinagpag ang damit. "Umaasa akong wala kang pag sasabihan ng lahat ng ito. Gusto ko itago mo sa lahat ito." Pag kasabi niya no'n ay lumakad na siya papalayo, tummango naman akon biglang sagot, tulala parin.

'End Of Flashback'

"Balita ko'y, lagi ka raw tulala~" Bumalik ako sa realidad ng marinig ko ang matinis na pag kanta ni Julie. Nilingon ko ito at napansin ko kaagad ang lalaking nasa kaniyang likuran.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now