Chapter 4

7 1 0
                                    

Enjoy reading!

A/N:Sorry sa wrong grammar and typo. Keep safe!💙

New Start

Kim's POV

Lunes na ngayon, at ngayong araw din ang balik ko. Dapat nung isang linggo pa'ko pumasok pero, di ko pa kaya kaya di muna ako pumasok nag padala naman ako ng excuse letter kaya alam ng teacher ko. Bibigyan na lang nila ako ng paperwork para makahabol ako, halos dalawang linggo na lang din exam na.

Bumangon nako at kumuha ng tuwalya para maligo. Matapos kong maligo ay bumalik ako sa maliit kong kwarto at nag bihis. Lumabas nako para mag agahan.

Nakita ko sila inay at fred na nasa lamesa at nag aagahan na.

"Oh, kim umupo kana rito at mag agahan kana baka ma late ka sa eskwela." Sabi ni inay at binigyan ng tinapay si fred.

Tanging tango at  maliit na ngiti lang ang sinagot ko, naupo  ako sa harap niya at nag simula nang mag agahan.

Nang matapos ako ay mabilis akong tumungo sa banyo para mag sipilyo at mag suklay, nag pulbo na rin ako at bumalik sa kwarto ko para kunin ang bag ko.

"Nay alis napo ako." Pag papaalam ko.

"Sige mag ingat ka ha."

"Opo!" Sagot ko, humalik ako sa pisngi niya ganon din kay fred. Tinignan ko ang relo ko 6:40 pa lang naman maaga pa bago mag simula ang klase.

Nag lalakad ako ng makita ko ang pamilyar na tao. Nilapitan ko siya para sumabay sa pag pasok.

"Hoy josh!" Agaw ko sa pansin niya. Pero di man lang niya ko nilingon.

"Josh? Ayos lang?" Tanong ko, pero di pa den niya ko nilingon o sinagot.

Ano problema nito? Deadmahan?

"Josh galit kaba?" Pag tatanong ko pero deadma pa den siya.

"Josh ayos ka lang ba?" Tanong ko ulit, medyo napipikon na ako para akong may kausap na bato.

Dahan dahan kong sinilip ang mukha niya, napansin ko sa mata niya na lumilipad ang utak niya sa outer space. Kinaway ko ang kamay ko sa harap ng mukha niya para masigurado kong nasa outer space nga ang utak niya bago ko gawin ang maitim kong plano.

Medyo lumayo ako ng ilang hakbang sa kanya at inintay ko ang tamang tyming para ma isagawa ko ang maitim kong plano, maitim pa sa singit ni imelda. Dahan-dahan kong hinarang ang paa ko sa dadaraanan niya para...

*BOGSH!

YES! Nagawa ko! Sumubsob siya! Tinisod ko siya para bumalik ang isip niya dito sa earth at di lang puro alien nasa utak niya.

Agad siyang tumayo sa pag kakasubsob niya at masamang tumingin sakin.

"Bakit?" Pa-inosenteng tanong ko sa kanya pero hindi ko mapigilang hindi matawa.

"ANONG BAKIT?! TINISOD MO KAYA AKO!" Inis na bulong niya, tumingin siya sa paligid. Medyo kumalma ang mukha niya ng mapansing walang  tao.

"Di ko kasalanan. Ikaw nga 'tong utak mo lumilipad kung saan e." Natatawang sagot ko. "Kanina pa kita tinatawag di moko pinapansin." Dag-dag ko pa.

"A-ahh? K-kanina pa? As-in kanina pa?" Utal na tanong niya. Mukha siyang kinakabahan na ewan.

"Oo, as-in kanina pa bakit kaba kase tulala?" Tanong ko.

"Ahh, w-wala yun." Sagot niya. Wala raw pero kung makatulala yung utak naka punta ng outer space at may na meet alien.

"Tara na nga, baka malate pa tayo." Pag iiba niya ng usapan. Tumango lang ako at sumabay sa pag lalakad niya.

Remembering Her PastWhere stories live. Discover now